Will Vic Sotto run for senator?

ADVERTISING

 

Will Vic Sotto run for senator?

ADVERTISING

Will Vic Sotto run for senator?OLA CHIKKA NOW na!!! Oh, no… oh, yes… now na!!! Nakakalokang chikahan na naman tayo at mga nakaka-HB na chismisan na naman ang nakakalokang mga echusera!

Dahil nga sa chikkang ito na si Manny Pacquiao ay talaga naman, noong nakaraan Sabado ay talagang kahit talo ang 1st contestant niya ay talagang ibinigay pa rin niya. Ano naman kaya talaga ang gustong palabasin ni Manny, dahil nagtatanong ang mga kaparazzi natin, kung saan ba nanggagaling ang perang ipinamamahagi niya sa show niya? Na kung sa kanya ba oh sa production?

Naku ‘te! Nakakaloka! Ano kaya ang mga balak ng mga network at pare-parehas silang namamahagi ng kayamanan. Pero ang mas nakakawindang na isyu, kahit ayokong ma-high blood, kailangan talagang pagtuunan ng pansin. Bukod sa kumikita araw-araw, mas mayaman daw si Willie Revillame kesa kay Manny. Naku, huh! Dahil nga mas marami raw properties itong si Willie.

ADVERTISING

Naku ‘te! ‘Eto lang ang mase-sey ko, sa kanya ba talaga ‘yun?

 

O, HETO NAMAN tayo sa mga chismisan na talaga namang nakakaloka rin. Marami ring mga nagtatanong na kaparazzi natin na kung bakit kaya namimigay ng pera itong si Vic Sotto sa kanyang show, at talaga namang panay rin ang pagbabahagi ng mga kadatu-ngan, ‘di ba? May mga nagsasabi rin kasi sa amin na kaya niya ginagawa ‘yun ay may balak daw tumakbong senador sa susunod na eleksyon.

Naku ‘te! Ano kaya sa tingin n’yo? Kung ako ang tatanungin n’yo? Why not, ‘di ba? Kasi mas alam naman nating marami talagang susuporta sa kanya, dahil nagpapakatotoo siya. Pero bakit kaya itong si Joey de Leon, ‘di ko na masyadong napapansin sa Eat… Bulaga!?

Alamin na lang natin, mga kaparazzi, kung bakit… pakkk!!!

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino kaya itong sikat na aktres na talaga namang thunder bird na, ang shupal naman ng feslak?

‘Di na raw nahiya sa katawan ang aktres na ito at binuyangyang na rin niya sa maraming tao. At take note, ang chikka sa atin ng mga kaparazzi ay ikinahiya raw ito ng dyowa n’ya… Naku e, nakakaloka… ha-ha-ha… talagang ikinahiya ng dyowa!

Kasi naman ‘te, ‘di na bagay, pinipilit pa… ha-ha-ha! Kawindang, ‘di ba?

 

KAYA KUNG AKO sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si Lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha? Siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING