Will Devaughn, hindi pa ready magpakasal kay Roxanne Barcelo

ADVERTISING

Will Devaughn, hindi pa ready magpakasal kay Roxanne Barcelo

Will Devaughn, hindi pa ready magpakasal kay Roxanne Barcelo
WILL DEVAUGHN

KAHIT NASA marrying age na, hindi pa rin or shall I say na wala pa rin sa priority ni Will Devaughn na lumagay sa tahimik.

 
Para sa isang lalaki na nasa saktong edad na (Will is 35 years old), ang focus nila ay ang ang pagpapatibay pa rin ng kanilang kinabukasan at career. Iba na raw kasi ang priorities ng mga lalaking may ganun edad.
Kung noon, pagkatapos ng high school or nasa kalagitnaan ng kanilang pag-aaral sa college ang mga lalaki nauuwi sa kasalan na lang ang ending ng kanilang buhay dahil napikot o gustong tumakas sa problemang financial ng pamilya.
 
Mabuti na lang, pareho ang priorities ni Will at ng longtime girlfriend niya na si Roxanne Barcelo (she’s 33 year old) na mag-ipon muna para sa future nila bago nila pagusapan or planuhin ang kasal o lumagay na sa tahimik.
 
Sabi ni Will tungkol sa girlfriend: “She’s beautiful, she’s honest, she’s everything a man could ever dream of. Yung values niya is very hard to find these days,” pagmamalaki pa niya sa girlfriend at future wife niya.
 
Kahit pareho na nasa showbiz, si Will ang negosyo niya ang priorities ng binata na ang kanyang “active wear” (sportswear business) ang nasa top ng list niya.
 
Will Devaughn, hindi pa ready magpakasal kay Roxanne Barcelo
Roxanne Barcelo and Will Devaughn

Bukod sa apparel ay nagmamay-ari din ang binata ng isang café at mobile café.

 
“I need to earn and save for my future, for my wife, my kids. My family,” pahayag niya sa presscon kakaibang romcom (na level up)  na “I Found My Heart in Sta. Fe”, kung saan sa Bantayan Island sa Visayas (near Cebu) kinunan ang pelikula with real-life girlfriend Roxanne Barcelo na kapartner niya sa movie. Ipapalabas sa ilang piling theaters ng SM Lifestyle Cinemas para sa FDCP’s Cine Lokal sa darating na September 15.
 
Panigurado ni Will na committed siya sa girlfriend. Sigurado din siya na “She’s The One” na pakakasalan niya sa tamang panahon.
 
At least ang binata, hindi takot magpatali.
 
Si Will, gusto rin at may plano magpakasal sa tamang panahon.
 
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING