Will call the attention of TV5 Bosses and MTRCB: German ‘Kuya Germs’ Moreno is in rage with DJ Mo Twister

ADVERTISING

Will call the attention of TV5 Bosses and MTRCB: German ‘Kuya Germs’ Moreno is in rage with DJ Mo Twister

Will call the attention of TV5 Bosses and MTRCB: German ‘Kuya Germs’ Moreno is in rage with DJ Mo TwisterGALIT NA GALIT ang Starbuilder at Master showman himself na si Kuya German Moreno sa host ng Juicy na si DJ Mo nang makarating sa kanya ang balitang bina-blind item na naman siya nito sa kanilang panghapong talk show.

ADVERTISING

Ayon kay Kuya Germs, pang-ilang beses na raw itong ginagawa sa kanya ng naturang host. Noong una raw, humingi pa ito ng tawad sa kanya, pero laking gulat na lang nito nang ulitin pa muli ni DJ Mo ang panglalait sa kanya via blind item na obvious na obvious naman daw na siya ang pinatutungkulan.

Tsika nga ni Kuya Germs na kakausapin na niya ang CEO/President ng TV5 na si Mr. Manny Pangilinan para ireklamo ito at ang show nitong Juicy Express, at maging sa MTRCB ay dudulog na rin daw ang host/actor para mabigyan ng kaukulang pansin ang ginagawa nitong panlilibak sa kanya at sa iba pang artista sa kanilang show.

Dagdag pa ni Kuya Germs na respetuhan lang daw ang nais niya. Dapat daw ay tinutulungan ang artistang maging maganda ang imahe sa publiko at hindi ‘yung nililibak-libak sa harap ng mga manonood. ‘Yun na!

ADVERTISING

WILLING DAW GAWAN ng pelikula nang bonggang-bonggang si Tita Dorothy Dizon ang kanyang apo kay Sunshine Dizon at Timothy Tan na si Doreen Isabel ‘pag lumaki-laki ito. Tsika nga ng proud lola, wala naman daw masama kung mag-artista ang kanyang apo lalo na’t nananalaytay sa dugo nito ang pagiging artista dahil magaling na aktres ang ina nito na si Sunshine.

Pero ayon kay Tita Dorothy, depende raw ito sa mga magulang ni Doreen Isabel kung papayagan siyang pasukin ang mundo ng pag-arte, dahil kung papayagan daw ito ay gagawin niya ang lahat-lahat para sumikat ang kanyang apo katulad ng ginawa niya kay Sunshine, sampu ng pagpo-produce muli ng pelikula na ang kanyang apo ang bida.

At kung hindi naman daw ito payagan nina Sunshine at Tim, okey lang daw sa kanya at irerespeto niya ang desisyon ng mag-asawa dahil ito ang mga magulang ni Doreen Isabel. Reregaluhan na lang daw niya ng expensive gifts ang kanyang apo para iparamdam nito sa kanyang apo ang kanyang sobra-sobrang pagmamahal.

TANGGAP NA RAW ni Alden Richards na mas matimbang sa puso ng kanyang ka-loveteam na si Louise Delos Reyes si Enzo Pineda kaya naman daw tumigil na ito sa panliligaw sa dalaga at kasama niya sa Alakdana.

At kahit nga raw hindi maiiwasan na masaktan ito sa nangyari ay tinanggap na lang niya nang maluwag sa kanyang puso. Sa ngayon daw ay pahinga muna sa panliligaw ang guwapitong aktor at mas gusto daw muna nitong pagtuunan ng pansin ang kanyang trabaho.

Pero aminado naman daw ito na may mga iba pa siyang crush na showbiz personality, at isa nga rito si Bela Padilla na ayon sa binata ay maganda at mabait. Pero hinahangaan lang daw niya ang ganda ni Bela, at wala pa raw siyang planong ligawan ang dalaga.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING