Will Ashley at Prince Carlos magpapaiyak sa ‘Regal Studio Presents: My Favorite Son’

ISANG heartwarming family-themed episode ang mapapanood natin ngayong Sunday sa Regal Studio Presents.

Para sa kanilang third episode ngayong January ay bibida ang rising teen actor na si Will Ashley sa ‘My Favorite Son‘.

Will Ashley at Prince Carlos magpapaiyak sa 'Regal Studio Presents: My Favorite Son'
Will Ashley and Prince Carlos

He plays the role of Christian, ang bunso at paboritong anak ng isang dating marino. Dahil palaging top honors sa school ay mataas ang pangarap ng ama para sa anak. Gusto nito na maging seaman ang kanyang anak.

Ang kaso, hindi ito ang kursong gustong kunin ni Christian. Mas gusto niya na magfocus sa music. Samantala, ang kanyang older brother na si Carlo (played by Prince Carlos) ay hindi masyadong pinapansin ng ama, pero naging mabait at supportive brother ito kay Christian.

With his Kuya Carlo and best friend turned girlfriend Gabby (played by Starstruck 7 Ultimate Female Survivor Shayne Sava) on his side, magkakaroon na kaya ng lakas ng loob si Christian na umamin sa kanyang ama? Ano ang kahihinatnan ng kuwentong ito?

Siguradong marami ang makakarelate sa episode na ito. Ihanda na ninyo ang tisyu o panyo and be prepared to cry sa ‘My Favorite Son’. Mapapanood ito ngayong 4:35 PM sa GMA pagkatapos ng Dear Uge.

Previous articleVLOG WATCH: Angeline Quinto, five months preggy na, naglilihi pa rin?!
Next articleCindy Miranda nagpaka-fan kay John Arcilla sa unang araw ng syuting