Wilbert Ross bida na sa ‘Boy Bastos’ ng Vivamax

PAGKATAPOS gumanap ng sidekick roles sa comedy films ng Vivamax noong nakaraang taon ay nabigyan na sa wakas ng pagkakataon ang ex-Hashtags member na si Wilbert Ross na magbida sa pinag-uusapang sexy comedy film na ‘Boy Bastos’ ng Vivamax.

Wilbert Ross bida na sa ‘Boy Bastos’ ng Vivamax
Rose Van Ginkel, Wilbert Ross and Jela Cuenca in ‘Boy Bastos’

Kung kayo ay maagang namulat sa internet noong early 2000’s, malamang ay pamilyar kayo kay Boy Bastos. Isa siyang alamat sa internet at ngayon ay muling binuhay ni Victor Villanueva (Patay na si Hesus, Kusina Kings) ang kuwentong ito sa pamamagitan ng pelikula.

Si Felix (Wilbert Ross) ay isang typical male teenager na malikot ang imahinasyon pagdating sa usaping sex. Kung gaano ito ka-vocal sa internet ay ganun naman ka-zero ang kanyang karanasan dahil siya ay certified virgin.

Kahit na may girlfriend ito named Cathy (Jela Cuenca) na gusto nang gawin ‘iyon’, nahihirapan si Felix dahil hindi ito ginaganahan tuwing susubukan nilang magtalik.

Lahat ay magbabago sa pagdating ni Katey (Rose Van Ginkel), ang kanilang teacher sa Biology. For some strange reason ay titira sa iisang bahay sina Felix at Katey, pero makikiusap ang huli na huwag ipaalam sa eskwelahan na tumitira sila sa iisang bubong. Eventually ay mahuhulog si Felix kay Katey at dito na mag-uumpisa ang kanilang love and sexy story.

Para mas masaya ang kuwento ay pasok din sina Andrew Muhlach at Bob Jbeili bilang mga bestfriends ni Felix.

Hindi pa naman napapanood ang pelikula na streaming na ngayon sa Vivamax, pero ayon sa mga social media reviews ay mas matino at interesting daw ito kumpara sa mga sexy films na ipinalabas ng leading Pinoy streaming website ngayon.

Previous articleVLOG WATCH: Rhian Ramos Apartment Tour!
Next articleErich Gonzales ikakasal na sa non-showbiz boyfriend?