Where’s Nadine? James Reid, nakipag-“cool down” sa ibang babae!

ADVERTISING
Where's Nadine? James Reid, nakipag-"cool down" sa ibang babae!
James Reid in ‘Cool Down’ MV

HINDI MAN VISIBLE ngayon sa primetime at hindi pa sinisimulan ang next JaDine movie na napapabalitang ishu-shoot sa Paris, hindi naman nababakante ng gagawin si James Reid. Kung ang dyowang si Nadine Lustre ay busy sa kanyang Luster by Nadine na pabango, si James naman ay nagco-concentrate sa kanyang bagong album entitled ‘Palm Dreams’.

No question na talented talaga itong si James Reid. Kagabi ay hindi nakatulog ang mga loyal fans ng binata sa pag-abang sa music video ng kanyang bagong single called ‘Cool Down’. Very relaxing ang kanta na may meaningful message. For sure na si Nadine Lustre ang inspirasyon niya sa pagsulat ng kanta (he composed ALL of the songs in his new album according to a source). Pero wait… nasaan si Nadine?

Where's Nadine? James Reid, nakipag-"cool down" sa ibang babae!Refreshing tingnan ang bagong music video ni James Reid. Alam namin na pa-rainy season na, pero ang jinit jackson pa rin! Napapa-cool down na kami by watching the music video alone. Ang suwabe!

Pero wait… bakit ibang girlaloo ang leading lady ni James sa music video? Naku! 

In fairness, maganda ang female model na ito, huh! Road trip, chill sa waterfalls, bonfire sa gabi with friends then wake up the next morning watching the waves.

ADVERTISING

Panoorin niyo ang music video hanggang dulo. Nakaka-excite naman ang bagong album ni James Reid! 

ADVERTISING