Where Is Rayver Cruz?

ADVERTISING

Where Is Rayver Cruz?

Where Is Rayver Cruz? MUKHANG MAY SUMABOTAHE kay Rayver Cruz. Hindi kasi siya napasama sa summer station ID ng Dos.

Bakit kaya wala sa summer plug ng ABS-CBN si Rayver? May nagpatanggal kaya sa kanya? O baka naman hindi siya feel isama ng mga executives ng Dos na siyang namimili kung sino ang kanilang isasama sa summer plug.

Wala rin sina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual sa nasabing plug, pero may dahilan. Si Piolo ay nasa show niya abroad at si John Lloyd naman ay may sakit yata nang gawin ang shooting. Pero si Rayver ay wala namang masyadong activities dahil katatapos lang niya ng Kristine. Bakit kaya hindi siya tinawagan para sa shooting? Dahil kaya hindi siya paborito ng Star Magic?

Nakakapagtaka lang kasi dahil may ibang hindi naman hina-handle ng Star Magic, pero ang laki ng exposure sa summer station ID. Pero si Rayver ay inisnab talaga nila gayong Star Magic artist ito. Ganito na ba ituring ng Dos ang isang Kapamilya?

ADVERTISING

TRUE NGA KAYA na sumama ang loob ni Angeline Quinto kay Jericho Rosales? Nasulat kasi na hindi nasunod ang segment nilang dalawa sa ASAP Rocks last Sunday sa Cebu. Originally raw ay kakantahin ni Angeline ang theme song ng Green Rose at rarampa si Echo na parang fashion model.

Ang kaso, kabaligtaran ang nangyari. Si Echo ang kumanta at si Angeline ang rumampa. Laking pagtataka nga raw ni Angeline kung bakit nagkaganoon. Anyway, ang dagdag pang tsika, ayaw raw ipakanta ni Echo ang kanyang song sa ibang singer. May gano’n?

‘Ayun, lalong sumama ang loob ni Angeline nang malaman daw niya ito.

Si Angeline ang nagwagi bilang Star Power pop superstar, pero ngayon pa lang ay may nang-iisnab na sa kanya sa Dos.

GOODBYE ABS-CBN NA pala talaga ang drama ni Aga Muhlach ngayon. Pumirma na ng three-year contract si Aga sa TV5. Kung noong una ay tsismis lang ang lahat at wala pang kumpirmasyon, ngayon ay confirmed na ang paglipat ni Aga sa network ni Manny V. Pangilinan.

Matagal nang walang show si Aga sa Dos kaya naman best decision ang lumipat na siya. Bakit mo nga naman papagurin ang sarili mo sa paghihintay sa assignment kung hindi ka naman priority ng network?

Anyway, bakit nga ba unti-unti nang naglalayasan ang mga artista sa Dos? Ang hula namin si Sarah Geronimo kapag wala na ‘yang kontrata sa Kapamilya ay tiyak ding ililipat ‘yan ng kanyang manager sa Singko. Wanna bet?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING