Parazzi Chikka: What’s Going On, Roxanne Guinoo?

ADVERTISING

Parazzi Chikka: What’s Going On, Roxanne Guinoo?

Ano ba ang nangyayari ngayon kay Roxanne Guinoo? Una, binigla niya ang lahat nang malaman na tsinugi na ito kasama si Valerie Concepcion sa Banana Split ilang buwan na rin nakakaraan. Walang official statement na inilabas ang nasabing programa ukol sa rason kung bakit ganu’n ang nangyari. Nagpunyagi naman ang mga fans ng dalaga nang malamang kasali ito sa panghapong programang Precious Hearts Romances kasama ang baguhang aktor na si Guji Lorenzana. Marami ang nag-abang nito ngunit nabigla sila nang malamang pinalitan na ito ni Kaye Abad. Muli, wala na namang inilabas na pahayag ang production ng nasabing programa. Kahit si Roxanne ay nananahimik sa ngayon.

Marami ang nanghihinayang dahil parang hindi umuusad ang karir ng dalaga ngayon. Sayang, isa pa man din siya sa mga artista natin ngayon na pang-leading lady talaga ang appeal. Wala rin kaming naririnig na plano ng ABS-CBN sa kanya. Sa mga nakaka-miss kay Roxy, kasalukuyan n’yo siyang makikita tuwing linggo sa Everybody Hapi ng TV5 bilang katambal ni John Estrada. Hmmm… hindi kaya mag-ober da bakod na rin itong si Roxanne? Can you tell us what’s wrong, Ms. Guinoo?

Parazzi Chikka
by Mica Rodriguez,
Photos By Luz Candaba, Allan Sancon and Parazzi Wires

ADVERTISING