WHAT ELSE IS NEW? DRESSING ROOM NI WILLIE REVILLAME, ‘OA’ SA SECURITY!

PANAY PA RAW ang patutsada ni Willie Revillame kina John Estrada and Randy Santiago sa kanyang programa. Sumama kasi nang husto ang loob ng TV host nang tanggapin at pumayag ang dalawa sa alok na noontime show ng Dos, kahit na inayos na raw nito ang katulad na programa ng dalawa sa TV5.

Pero ang hindi marahil alam ni Willie ay ang dahilan kung bakit napapayag si John na tanggapin ang alok ng Dos. How can he refuse the noontime show being offered to him, kasama pala sa production ang babae niyang kapatid?

‘Yon marahil ang matinding dahilan kung bakit hindi natanggihan ni John ang show. We’re quite certain na hindi ito alam ni Willie.

What we do know is that Willie reportedly imposed some restrictions sa kanyang dressing room. Hindi pinapayagan ang mga tao na magdaanan sa labas ng kanyang dressing room. Maging ang staff daw ni Willie ay hindi puwedeng umistambay sa labas ng kuwarto. Kailangan pa raw umikot ng studio ng mga ito para maiwasang dumaan sa dressing room ng TV host.

At kung may kailangan ang isang staff kay Willie, dadaan muna ito sa bodyguard niya na nakabantay sa labas ng kanyang silid. May gano’n?! Yes, may gano’n!

Ikaw na ang maging pa-star!

IT APPEARS NA hindi lang si Angelica Jones ang may Twitter account kundi maging ang ina niyang si Mommy Beth Jones. Kung si Angelica ay itinanggi na siya ang may-ari ng ‘iamangelicajones’ sa Twitter, itanggi rin kaya ng madir niya ang ‘ItsMeBethJones’ sa Twitter? Malamang kasi ay poser lang niya ito.

Here are the tweets kuno ni Mommy Beth: “Grabe, busy nga-yon ang anak ko, ang dami nyang projects dito sa Laguna sya kasi ang na-assign para sa Miss Gay committee ng 3rd district.”

“Please tigilan nyo na ang kaka-blind item sa anak kong si Angelica Jones. Masaya sya bi-lang Bored Member kaya tumigil na kayo!”

“Kahit busy ang anak ko sa pagiging BORED MEMBER nya, nagagawa pa rin nyang i-balance ang showbiz career nya. Magaling talaga ang anak ko.”

“Abangan ninyo sa mga susunod na araw ang bagong teleserye ng anak ko. May international movie din syang ginagawa.”

HINDI NAGMAMADALI SI Richard Gutierrez sa kahihinatnan ng friendship niya kay Solenn Heussaff.

“Sabi nga, when it comes to love, dapat hindi minamadali, it always jump into place, stuffs like that. Kasi ngayon, siyempre, the movie is getting a lot of hype and kaming dalawa ni Solenn,” esplika ng bida ng My Valentine Girls.

Ayaw niyang paniwalain ang publiko na sila na ni Solenn kahit hindi naman. Aniya, “We don’t want that na dahil lang sa hype ng movie, publicity stunt lang na sabihin namin na kami, ‘di ba? Parang we’re really good friends. We enjoy each other’s company. For now, we don’t want to jump into something just because of the hype of the movie.”

Sobrang thankful ang actor sa portrait na regalo ni Solenn sa kanya na ipinapinta mismo ng dalaga. Pero hindi pa ito naisasabit ni Richard

“Hindi pa kasi nape-frame since ibinigay niya, busy ako sa trabaho namin. Sasamahan niya akong bumili ng frame and pumili ng frame,” tsika ng binata.“Alam ko si Solenn when she works on a painting talagang malalaki ang size. It’s nice. Talagang natuwa ako. It’s such a big gesture for her to do that.

“Alam ko naman kasing gagawa siya ng painting ko, ng portrait ko, kasi sinabi niya sa akin. But then hindi ko in-expect na magagawa niya agad, kasi alam ko, sobrang busy niya. Ang dami niyang priorities, ang dami niyang commitments. Kaya pala hindi siya naglalabas ng bahay, kasi tinatapos niya ‘yung painting,” pagtatapos ni Richard.


Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleVALERIE CONCEPCION, NAGMUKHANG STARLET SA TABI NI RUFFA GUTIERREZ!
Next articlePAOLO BALLESTEROS, PINAPANTASYA SI PIOLO PASCUAL

No posts to display