Wendy Valdez and Bruce Quebral, married?

Nagtatakang naitanong sa amin ng isang colleague, “Totoo bang kasal na rin sina Wendy Valdez at Bruce Quebral?”
Ayon kasi sa naglabasang tsismis, may record sa NSO na nagsasabing nagpakasal na ang dalawa noon pang March 10.

Agad naming tinawagan ang dati naming ward and good friend, pati na ang nanay niya at handler niya sa Star Magic.

Iisa ang isinagot nilang lahat, “Walang katotohanan.” At pare-pareho din silang nagtataka kung saan at paanong may napabalitang NSO record. Well, pinaniniwalaan namin ang kanilang sagot. Wala namang mahihita si Wendy kung gimik lang ito dahil aktibo naman ang kanyang acting career at may mga projects siyang out-of-town.

Kasama sa Precious Hearts Romances si Wendy bilang kalabtim ni Joem Bascon, at napapanood din siya sa May Bukas Pa.

Si Bruce naman, abalang-abala sa kanyang trabaho bilang flight attendant ng isang international airline. Pero sila pa rin as boyfriend and girlfriend.

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

Previous articleKorina Sanchez’ Wowowee interview upsets Kris Aquino
Next articleJudy Ann’s private wedding, not a surprise

No posts to display