Wendell Ramos, palaban sa sinalihang serye sa Dos

Wendell-RamosHINDI NAGPATALO si Wendell Ramos sa mga bagets na macho sa showbiz pagdating sa hubaran. Nagpadagdag sa init ang kamachohan ni Wendell sa Pasion de Amor ng ABS-CBN.

Sa teaser pa lang ng serye, ipinakita na ni Wendell ang palaban niyang machong katawan na parang sinasabi sa mga bidang lalaki ng serye na hindi siya pakakabog sa mga batang hunk.

“Hindi lang naman katawan ang dahilan kung bakit nila ako kinuha para sa Pasion de Amor, kundi dahil nagtitiwala sila sa aking kakayahan pagdating sa pag-arte,” say ni Wendell.

Nangako pa si Wendell na gagawin daw niya ang lahat nang tama para sa tiwalang ipinagkaloob nila sa kanya.

When asked kung nagkaroon ba siya ng problema sa GMA 7 at TV5 kaya siya nagbalik ABS-CBN; “Wala namang naging problema. Natapos na kasi ang kontrata ko sa dalawang network kaya malinis na malinis ang paglipat ko sa Kapamilya Network.”

Ayon pa kay Wendell, ang ganda raw ng timing nang bigyan siya ng project sa Dos. Sa dami raw kasi ng artista ngayon ay siya pa ang mapalad na napili para makasama sa project.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Previous articleLouise delos Reyes, may attitude problem kaya ‘di na pinagbibida sa serye?
Next articleMikael Daez, ‘di magpapahuli kina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa aktingan

No posts to display