WATCH: Suarez: The Healing Priest Full Trailer

KABILANG ang pelikulang Suarez: The Healing Priest sa 10 pelikulang nakapasok sa 2020 Metro Manila Film Festival na mapapanood worldwide sa pamamagitan ng online platform na UPSTREAM.PH simula sa Pasko, December 25.

Ang Suarez na isang family drama na tumatalakay din sa buhay ng healing priest na si Fr. Fernando Suarez ay prinodyus ng Saranggola Media Productions at idinirek ni Joven Tan.

WATCH: Suarez: The Healing Priest Full Trailer
Suarez: The Healing Priest Film

Bida sa pelikula bilang si Fr. Suarez si John Arcilla na kilala rin sa pagganap niya bilang si Gen. Antonio Luna sa historical biopic film na Heneral Luna.

Bukod kay John, 52 artista rin ang mapapanood sa Suarez. Narito ang kanilang mga pangalan in order of appearance: Gina Pareno, Jin Macapagal (as young Fr. Suarez), Marlo Mortel, Biboy Ramirez, Lou Veloso, Lui Manansala, Troy Montero, Marissa Sanchez, Rubi Rubi, Christian Vasquez, Dante Rivero, Alice Dixson, Ynigo Delen, Yayo Aguila, Rita Avila, Dexter Doria, Richard Quan, Charles Kieron, Pam Gonzales, Althea Pinzon, Zeus Collins, Glenda Garcia, Jenine Desiderio, Michelle Vito, Janna Trias, Tom Doromal, Willsen Estabilo, Perla Bautista, Bobby Andrews, Zeppi Borromeo, Joe Vargas, Jay Dizon, Alora Sasam, Andrea del Rosario, Joonee Gamboa, Noel Trinidad, Leo Martinez, Jon Achaval, Jairus Aquino, Alan Paule, Ahwel Paz, Maru Delgado, Patrick Sugui, Jericho Estregan, Rosanna Roces, Meggie Cobbarubias, Simon Ibarra, Dennis Padilla, Tess Antonio, Buboy Villar, Archie Adamos at Gerald Ejercito.

Narito ang full trailer ng Suarez na mapapanood din sa Youtube at sa Facebook page ng Sarangola Media.