Was advised by doctor to take a rest: Derek Ramsay has fractured bone on his shoulder

ADVERTISING

Was advised by doctor to take a rest: Derek Ramsay has fractured bone on his shoulder

 

ADVERTISING

Was advised by doctor to take a rest: Derek Ramsay has fractured bone on his shoulderPINAGPAPAHINGA SI DEREK Ramsay ng kanyang doktor dahil bukod sa problema sa tuhod ay may problema na rin ngayon ang kanyang balikat.

“Masakit kasi itong balikat ko at lumihis ang mga buto ko,” pahayag ni Derek.

Ipinakita sa amin ni Derek ang bagong problema sa kanyang katawan. Nakausli ang mga buto niya sa balikat.

ADVERTISING

“Masakit ito lalo na sa umaga. Ang sabi ng doctor, kailangang matignan kasi baka lumala. Pero feeling ko, lalong lalala ito kung patitigilin ako sa sports ko. Alam n’yo naman, ito lang ang libangan ko,” tumatawang pahayag ni Derek nang dalawin namin siya sa Ultra habang nagpa-practice ng Frisbee.

Nilinaw naman ni Derek na hindi totoong may lihim silang relasyon ni Erich Gonzales. Pero hindi ikinaila ng aktor na dinala niya ang dalaga at ipinakilala sa kanyang ina.

“Paborito kasi siya ng mommy ko. Pero hindi ibig sabihin noon, e, kami na. Magkaibigan lang kami ni Ercih at naging close kami nu’n sa Magkaribal.”

Sa kabilang banda, totoo palang magkakaroon nga ng kissing scene sina Derek at Vice Ganda sa pelikulang pagsasamahan nila.

“Nabasa ko na ang script at natuwa naman ako kaya ko tinanggap. At wala naman akong nakikitang masama kung meron man,” sabay halakhak nito. “Maganda ang story at malaki ang tiwala ko sa aming direktor.”

Ayon kay Derek, ngayon lang niya gagawin ‘yung mga eksenang hinihingi sa magiging pelikula nila ni Vice.

“Masaya, ngayon pa lang naaliw na ako. Gusto ko siyang gawin kasi parang ang gaan-gaan. I mean, comedy love story ang tema ng movie at hindi lang si Vice ang excited, ako excited din talaga dahil first time ko itong gagawin,” binirahan ng masasayang halakhak ng aming kausap sa kanyang pagwawakas.

 

SA TOTOO LANG mas exciting siguro ang The Biggest Loser kung kasama sa contestant si Sharon Cuneta at hindi siya ang host ng nasabing bagong programa ng Dos. Feeling namin, mas panonoorin ang nasabing show kumpara sa Amaya ni Marian Rivera, kung si Shawie mismo ang mapapanood kung paanong tinatanggal niya ang mga fats sa kanyang katawan.

“Kung si Sharon ang contestant? Well sad to say ilalampaso nang milya-milya ang Amaya ni Marian, kasi curious ang mga tao kung kaya pang papayatin si Sharon,” sey ng aming kausap.

Sabay ang date na launching ng Amaya ni Marian at ng The Biggest Loser nina Sharon at Derek. Marami ang nag-aabang kung sino sa dalawang bagong programa ang panonoorin ng mga tao.

“Baka mas piliin ng mga tao ang Amaya kasi bago ang idea at epic ang drama nila, compare sa The Biggest Loser na kopya lang sa Amerika, ‘di ba? Pero sabi ko nga, kung si Sharon ang makikitang nagpapayat du’n sa show, tiyak na mas marami ang manonood sa kanila. Baka kumain ng alikabok ang Amaya.”

 

MUKHANG UUSOK NA naman ang away sa pagitan nina Gladys Reyes at Judy Ann Santos dahil sa gatas na kanilang ine-endorse. Si Juday ay ang gatas na ang tagline ay “Panatag”, samantalang ang kay Gladys ay “Sarap-Sustansiya”.

Ewan, pero may nagbulong sa amin na noong hapon na iyon sa presscon ng bagong gatas na ine-endorse ni Gladys, ang Brand X na kanilang ginamit ay ang gatas na ine-endorse ni Juday, kung saan mas marami ang nagkagusto sa Brand Y ni Gladys.

Sinabi naman ni Gladys na walang away sa pagitan nila ni Judy Ann. Ang posibleng magsalpukan lang talaga ay ang mga gatas na ine-endorse nila dahil parehong pambata nga.

“Mga matured na kami ni Judy Ann at hindi na kami paaapekto pa sa mga ganyang intriga.”

 

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING