WALWALAN NA! Direk Joey Reyes, gagawa ng updated version ng ‘Pare Ko’ sa Regal

ADVERTISING

WALWALAN NA! Direk Joey Reyes, gagawa ng updated version ng ‘Pare Ko’ sa Regal

WALWALAN NA! Direk Joey Reyes, gagawa ng updated version ng ‘Pare Ko’ sa Regal
Direk Joey with the cast of ‘Walwal’

MAY GAGAWING bagong youth-oriented movie si Direk Joey Reyes na kagaya ng pelikulang Pare Ko na ginawa niya noon na pinagbibidahan nina Claudine Barretto, Jomari Yllana, Victor Neri at Mark Anthony Fernandez.

Ayon sa director, updated version ng Pare Ko ang gagawin niyang pelikula na ang title ay Walwal. Bida sa Walwal sina Jerome Ponce, Elmo Magalona, Kiko Estrada at Donny Pangilinan.

Excited na kuwento ni Direk Joey, “This is my updated version of Pare Ko. I’ve been wanting to do another Pare Ko but this time, using contemporary kids.

“Gustong kong gumawa talaga ng youth movie, yung hindi romcom. Yung about young people talaga,  not necessarily about love kundi  about sa mga nangyayari sa mga bata ngayon.

ADVERTISING

 “It’s just  a look at the young people today witout having to fall into the trap of a romance. Because I believe na ang buhay ng mga bata higit pa kesa sa mga lovey-dovey sa buhay  nila,” pahayag niya.

Ayon pa sa director, personal niyang pinili ang apat na lalaking bida sa kanyang pelikula.

“The script came ahead, eh. The casting came after the script rather than a casting coming before the script. So, nung binabasa ko, naghahanap ako ng mga tao na tugma at alam kong kaya yung role. Lahat sila hand-picked,” sambit niya.

Ang Walwal ay ipo-produce ng Regal Entertainment.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING