Wally Bayola’s Viral Sex Scandal

ADVERTISING

Wally Bayola’s Viral Sex Scandal

Wally Bayola’s Viral Sex ScandalGRABE ITONG kinasasangkutan ni Wallly Bayola dahil sa video niyang kumakalat sa facebook at sa maraming social networks. Grabe naman ang mga komento. Ayaw ko na lang isulat, baka makadagdag pa sa malisya. Isang komento sa Jose & Wally account FB: “Kung may nagawa man si Wally, pamilya na po nya ang bahala kung anong opinyon o sasabihin… Di natin alam ang tunay na kwento.. Kaya itigil na lang po natin ang mga kung anu-ano man.. Kasi kahit maraming sabihin man tayo, Wala rin mangyari.. Nasaktan na ang pamilya nya, at siya, wag na tayo dumagdag kasi wala rin tayong maitutulong..”

ADVERTISING

Pabor ako diyan. ‘Di kayo makatutulong, problema nilang pamilya ‘yan. Sila rin ang mag-aayos niyan. Kawawa naman itong pamilya ni Wally. Mga babae pa naman halos ang mga anak nito at may iisa lang na lalaki. Kamakailan ay may naospital pang anak ito at may sakit ata na kanser. Ginawa ko nga naman na i-share para tulungan sa mga prayer.

Talented pa naman itong si Wally. Kaya lamang eh, bakit naman kasi, eh?! Hindi naging maingat lalo’t nasa gitna pa naman siya ng kasikatan. Sa ngayon pa naman ay wala nang maitatago sa mga tao, lalo’t nasa dulo na ng mga daliri ng tao ang pag-alam sa mga balita via online media. Kahit sa anong paraan, mabuti at masama ay naisi-share ang mga bagay na maaaring sumira sa tao o lalong magpausbong ng kaalaman sa iba.

Ang tanong, saan nanggaling ang mga leaked scandal? O kung may iba pa sa loob ng kuwarto lalo’t uso na ngayon ang camera. Saang lugar ito nakunan? Sinu-sino ang involve dito? Kung sinuman ang may gawa nito, grabe ka kasikat kung anuman ang motibo mo? Pero kung sa krimen, mas malala ka sa kanila. Ikaw ang pinagmulan ng mga isyu, nakakatuwa ba ang ganito?

ADVERTISING

Sana naman mag-isip tayo. Hindi lahat ay maaaring gawin natin. Lalo’t sa mga pribadong isyung ganito. Kaya lamang, sana nga ‘wag nagmula mismo sa babae at lalaking nasangkot dito. May nagsasabing baka naghihingi ng demand aniya itong si babae sa lalaki, ‘tapos ‘di mapagbigyan kaya sumambulat ito.

Hay, naku! Ispekulasyun pa lamang ito. Pero sana naman, magkaroon ng tamang batas na huwag namang ganyan nang ganyan… dahil nakasisira tayo ng buhay.

 

Wally Bayola’s Viral Sex ScandalAma ni Krista Miller, Galit na Galit kay DJ Mo

 

ISA AKO sa invited guest ni Krista Miller sa ginanap niyang birthday party noong nakaraang Agosto 24, 2013 sa Quezon City. Marami ang dumalo. Naroon ang mga kaibigan ni Krista, mga magulang, kapatid, mga kamag-anak at mga media. Nataong nagkatabi kami nang upuan ng daddy ni Krista. Nagkuwentuhan kami nang tungkol sa Jai-alai. Ayon sa kanya ay dati siyang kinikilalang player nito.

Napunta kami sa topic tungkol sa kanyang anak na si Krista. Naiinis siya at galit na galit siya rito kay DJ Mo Twister dahil aniya sa mga paratang at mga sinasabi nito laban sa anak sa program nito sa radio. Hindi naman niya ito kilala, ni hindi pa rin daw nito nakaharap ni Krista. Papaano naman daw ito makapagbabalita ng tungkol kay Krista, samantalang wala naman itong si DJ Mo sa ating bansa.

Nagtataka raw siya kung saan nakuha itong mga balita at saan nanggaling ang mga paninira sa kanyang anak. Mukhang nanggagalaiti itong nagpapaliwanag sa akin, “Makita ko lamang ito…!”

Naks! Itong si DJ Mo talaga dumarami ang kalaban. ‘Ika nga ng iba, kasi naman eh! Hahaha!

Ang sagot ko, maaaring ibinabato sa kanya ang mga balita via net, Facebook, Instragram, Twitter, blogs, at iba pa. Natural ‘yun sa ngayon, dahil kahit malayo ay nakasasagap ng balita. Kaya lamang, huwag nga namang overkill, aniya.

 

Ito ang larawan sa canvas ni Maesto Orobia. E-mail: orobiakpp@yahoo.com

Larawan sa Canvas

By Maestro Orobia

 

ADVERTISING