Wally Bayola, nakawala na sa sex video scandal

Wally-BayolaSA NGAYON masasabi nang nakabawi na si Wally Bayola sa kinasangkutan nitong sex video scandal. Inamin ni Wally na pagkatapos ng kinsangkutang kontrobersiyal, binalak niyang mag-iba ng career matapos na tanggalin sa Eat Bulaga. Pero inisip niya ang kanyang mga anak oras na hindi siya mag-klik sa inisip na bagong career.

Isang taon ding hindi nakalabas sa anumang TV show si Wally, pero sa tulong ng tunay niyang kaibigan na si Jose Manalo, nabigyan siya muli ng pagkakataong makabalik sa longest running noontime show sa GMA 7.

“Malaki talaga ang utang na loob ko kay Jose. Dahil siya ang naging tulay ko para muling makabalik sa show. Pinagdasal ko talaga na mapatawad nila ako sa aking nagawa. Labis akong nag-sorry sa mga bumubuo ng show. Lalo na sa mga televiewers na alam kong na-disappoint sa akin. Nagpapasalamat ako sa Diyos na pinagbigyan tayo. Nangako na mas magiging maingat na ako. Ayoko na muling maranasan ang pangyayaring iyon,” pagdidiin ni Wally.

Ngayon, mas kilala na si Wally bilang si Lola Nidora, ang hadlang sa pagmamahalan ng loveteam nina Alden Richard at Yaya Dub sa Eat Bulaga.

“Talagang hindi namin ini-expect na aabangan nila ang mga nangyayari sa dalawa,” say na nakangiting si Wally.

Dahil mas kilala at kinagigiliwan na siyang bilang si Lola Nidora, mas madali na raw niyang magagawa ang mga pinaggagagawa nila ni Jose sa mga stage show. ‘Di tulad noong kainitan ng iskandalong kinasangkutan niya na atubili at parang naiilang siyang magpatawa dahil sa pangamba na sa halip magpatawa ay galit ang ibalik sa kanya ng audience.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Previous articlePiolo Pascual, muli raw nabuhay ang career dahil kay Sarah Geronimo
Next articleDennis Trillo, kulang na lang aminin na sila na ulit ni Jennylyn Mercado

No posts to display