Wally Bayola, malapit nang bumalik sa Eat Bulaga

ADVERTISING

Wally Bayola, malapit nang bumalik sa Eat Bulaga

Wally-BayolaTOTOO KAYANG malapit na raw ang pagbabalik ni Wally Bayola sa Eat Bulaga?

ADVERTISING

Mukhang malapit na nga ang pagbabalik niya, pero iniiwas sa amin sa Startalk na ma-interview dahil hindi raw talaga magsasalita si Wally.

Siyempre kung magsasalita man si Wally, tiyak na mauungkat na naman ang  sex video scandal niya.

Wally-BayolaKaya hayaan na lang daw na makabalik siya sa trabaho, hindi na pag-uusapan ang tungkol sa iskandalong kinasangkutan niya.

ADVERTISING

Kunsabagay, tama na rin ngang manahimik na lang. Pero maiiwasan ba ‘yan ni Wally?

Inaayos na rin nga raw ang pagbabalik niya sa Celebrity Bluff dahil Pasko nga naman, kailangan nang kumita ni Wally para masaya naman ang Pasko nila.

Pero hindi naman yata pinababayaan ng Eat Bulaga si Wally. Kahit nu’ng walang trabaho ito, alam ko tinutulungan pa rin siya ng mga Dabarkads niya. Kaya kung makababalik na ito, siguro dapat na mag-ingat na siya, ‘no!

Kaya lang, effective pa kayang magpabading-bading si Wally, eh nakita na kung gaano siya katulis, ‘no!

Abangan n’yo ‘yang kuwento namin na ‘yan sa Startalk.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING