WALEY SA PINAS PERO HOT SA INDONESIA: Teejay Marquez, balik-Pinas bilang Regal Millennial Baby!

ADVERTISING

WALEY SA PINAS PERO HOT SA INDONESIA: Teejay Marquez, balik-Pinas bilang Regal Millennial Baby!

WALEY SA PINAS PERO HOT SA INDONESIA: Teejay Marquez, balik-Pinas bilang Regal Millennial Baby!
Teejay Marquez

ANG AKALA ni Teejay Marquez ay hindi na siya magkakaroon ng sariling career sa showbiz dito sa Pilipinas bilang isang artista na sa unang subok niya ay tila nagpaanod na lang ang career niya.

 
Dating talent ni German Moreno (Kuya Germs) sa late night Saturday evening show na “Walang Tulugan” ang binata sa GMA Kapuso Network noong nabubuhay pa si “Tatay Germs” ng sampu’t samperang mga baguhan na gustong magkapangalan at mabigyan ng chance na makilala sa showbiz.
 
Nang magkaroon ng pagkakataon na makapag-trabaho si Teejay sa Jakarta, Indonesia ng almost 9 months ay walang nakapagsabi na maghi-hit pala siya.
 
Bukod kay Christian Bautista na kilala ng mga taga-Indonesia, isa sa mga Pinoy talents natin ngayon ang namamayagpag sa kabuuan ng bansa na during his staya y sa Jakarta siya nakatira.
 
Sikat si Teejay sa Indonesia reason kung bakit pinapirma siya ni Mother Lily at Miss Roselle Monteverde ng film contract para sa Regal Films.
 
Sa contract signing, kasama ng binata ang bago niyang manager (dati si John Fontanilla ang manager ni Teejay) na si Arnold Vegafria ng ALV Talent Management.
 
“Happy po ako sa chance na ibinigay ni Mother Lily sa akin. I thought wala na ako babalikan dito sa Manila,” sabi ni teejay sa panayam namin sa kanya.
 
At the early days of his career, hindi siya makaalagwa kahit anong effort niya.
 
But with his exposure as an “artista” in Indonesia, siya  mismo, hindi niya inaasahan na makikilala siya dun.
 
“I live in a condo na walking distance sa isang mall kung saan dun ako nagge-gym. It’s very near na lalakarin ko lang. I need to wear a face mask (surgical mask) para hindi ako makilala para makaiwas sa pag-mob ng fans.”
 
WALEY SA PINAS PERO HOT SA INDONESIA: Teejay Marquez, balik-Pinas bilang Regal Millennial Baby!
Teejay Marquez signs a new contact wiith Regal Films

Sa Indonesia kasi, ayaw ng mga talent managers na nakikita ang talent nila kung saan-saan,” kuwento ni Teejay sa kanyang karanasan.

 
Sa pagpirma ng binata ng kontrata, isang chance na rin ito para sa Regal Film na makapag-deal with an Indonesian producer or contacts for future deals between two films outfits.
 
May plano din para sa pelikula ni Teejay sa Regal na kumuha sila ng Indonesian partner niya para magkaroon din ng Indonesian market ang pelikula ng aktor.
 
Regarding the rumor na beki si Teejay na minsan na-link ang name niya sa aktor na si Martin del Rosario at ang sinasabing “sex” video niya at kung anu-ano pa, sa susunod natin na kuwento tungkol sa bagong Regal millennial baby.
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING