WALANG URUNGAN! Janella Salvador kakasuhan ang nam-bully kay Baby Jude

Leo Bukas

ITUTULOY ni Janella Salvador ang pagsasampa ng kaso sa mga netizen na nambu-bully sa kanilang anak ni Markus Paterson na si Baby Jude. Ayon pa sa Kapamilya actress dapat daw ay maturuan ng leksyon ang mga ganung klaseng tao na kahit mga walang kamuwang-muwang na bata ay nilalait.

“I didn’t know how to feel when I first saw the comments about Jude. I was trying to think ‘Are they just joking or what?’ Kasi like who would pick on a baby? What kind of humor is that?” sambit ng aktres.

WALANG URUNGAN! Janella Salvador kakasuhan ang nam-bully kay Baby Jude
Janella Salvador with Baby Jude

Nabasa ni Janella ang comment ng isang netizen na “sana sana raw ay mahawa ng COVID-19 ang anak nila ni Markus” at labis niya itong ikinagalit.

Katwiran pa niya, dapat daw ay may limitasyon ang lahat. Wala rin daw mga taong mabiktima ng bullying.

Katwiran niya, “But you know what, to each his own. But at the same time, I realized it’s not okay ‘cause it’s a form of bullying talaga. So, I’m gonna stand up for Jude. I’m gonna do anything for my son. So, I stood up for him.

“They think kasi wala lang pero as a mom, even if I’m in this industry, like I’m used to bashing directed towards me, when it’s towards Jude, it’s not okay.”

“We were gonna push through the complaint. Well, I’m still planning to. But, I’m just praying about it for now because we have so many things to make asikaso. We’ll see,” dagdag niyang pahayag.

WALANG URUNGAN! Janella Salvador kakasuhan ang nam-bully kay Baby Jude
Janella Salvador and baby

Masaya ring ibinahagi ni Janella na mas naging okey ang relasyon nila ngayon ng inang si Jenine Desiderio kumpara nung kanyang teenage years. Nakatulong din daw ang pagiging young mom niya para mas maintindihan ang ina.

“That was the time na we weren’t really okay. Before, I was living by myself before. Wala talaga kaming communication. Nagalit din ako as a teenager. I had so much angst in me.

“We became closer and I understood her more on different levels as a mom,” kuwento pa ni Janella.