WALANG TAKOT! Arjo Atayde, muling gaganap na beki sa MMK ngayong Sabado!

ADVERTISING

WALANG TAKOT! Arjo Atayde, muling gaganap na beki sa MMK ngayong Sabado!

WALANG TAKOT! Arjo Atayde, muling gaganap na beki sa MMK ngayong Sabado!
Arjo Atayde

KUNG IBANG ARTISTA nga lang siguro siya, malamang sa hindi, mag-iisip muna siya kung tatanggapin niya ang role ng isang bading.

May mga artista kasi na conscious sa imahe nila. Hindi sila basta-basta tatangap ng role ng isang bakla or bading na pakiwari nilaý baka isipin ng publiko na beki sila in real life na nakatago lang sa kaloob-loob ng mga tunay nila na mga sarili.

Ang daming ganun sa showiz. Role lang as beki, ayaw at iniiwasan gayong para sa isang tunay na artista, hindi isyu kung isang bakla man ang magiging karakter mo sa telebisyon, pelikula o kahit sa entablado.

Sa ganito mo nasusukat kung ang isang artista na iniisip at inaakala na magaling ay “may-kaartehan” dahil may takot na baka nga naman sa isang ihip lang ay matuluyan.

ADVERTISING

Pero kung lalaki ka na mahilig sa babae, hindi ka magdadalawang-isip. Challenging naman kasi na sa karakter mo as a beki ay maging convincing ka sa role na ginagampanan mo.

WALANG TAKOT! Arjo Atayde, muling gaganap na beki sa MMK ngayong Sabado!
Arjo Atayde and Rocky Gathercole

Ang bad cop ng seryeng FPJ’s Ang Probinsyano na si Arjo Atayde, walang takot na maging isang bakla sa kanyang role tulad sa darating na Sabado  (July 1) sa MMK, kung saan gagampanan niya ang life story ng sikat na Pinoy Hollywood fashion designer na si Rocky Gathercole na ang mga fashion creations ay sinusuot ng mga sikat na mga international celebrities like Britney Spears, Rihanna atbp.

Sa katunayan nga, ito na ang pangalawang beses niyang gumanap as beki (as in mujerista pa). Sa unang tranny role niya sa MMK a few years ago ay may mga bata siyang alaga.

Interesting ang karakter ni Arjo as Rocky. Madrama. Madaming hugot tulad sa interview ni Kuya Boy Abunda noon sa pamosong designer na napanood namin one Saturday evening sa show ng celebrity host ay sigurado ako na acting piece ito para sa sino man na gaganap.  

Knowing Arjo na hindi mo na pagdududahan ang galing, I’m sure, malamang sa hindi ay mapapansin na naman ng mga award giving bodies for television na ma-nominate ang aktor.

Knowing Arjo na hindi mon a pagdududahan ang galing, siguradong mapapansin na naman ng mga award-giving bodies for television at mano-nominate ang aktor.
Tinatanong mo if Arjo is gay dahil pagkakamalan mo siya kapag umaarte siya as a beki? Ang sagot ko no! 101% Lalaking- lalaki ang panganay ng aktres ni Sylvia Sanchez at Papa Art Atayde.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING