WALANG ‘SEFMAINE’: Sef Cadayona, umalma na sa malisyosong intriga sa kanila ni Maine Mendoza!

ADVERTISING

 

WALANG 'SEFMAINE': Sef Cadayona, umalma na sa malisyosong intriga sa kanila ni Maine Mendoza!
Sef Cadayona

MATAGAL-TAGAL din nanahimik si Sef Cadayano ukol sa mga isyung ibinato sa kanya simula nang mag-break sila ng sexy Kapuso actress na si Andrea Torres at ng diumano’y secret relationship nila ng Phenomenal star na si Maine Mendoza.

In the past, puro si Maine lang ang nagsasalita at nagdidiin na wala silang romantic relationship ni Sef. Umabot pa sa punto na nag-deactivate ng Twitter account ang dalaga.

Pagkatapos ng matagal-tagal na paghihintay ay inihayag na ni Sef Cadayona via Twitter ang kanyang side saa ‘Sef-Maine’ controversy na ang hudyat ay isang article sa tabloid na lumabas kamakailan lamang:

WALANG 'SEFMAINE': Sef Cadayona, umalma na sa malisyosong intriga sa kanila ni Maine Mendoza!
Tweets of Sef Cadayona

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagbigay ng diretsang pahayag ang comedian. Hati naman ang opinyon ng mga fans ni Maine. May mga nagsasabi na dapat ay noon pa lang ay nagsalita na si Sef para hindi na tumagal ang isyu. May ilan naman na nag-iinsist na may something talaga ang dalawa.

ADVERTISING

Well, whether it is true or not, dapat wala na silang sey dun. Anong magagawa natin kung si Alden ay hindi naman talaga nanliligaw kay Maine? Wala bang karapatan ang dalaga na makipag-relasyon o kahit makipag-kaibigan man lang?

Lesson na rin siguro ito kay Sef na dapat, matuto siya na mag-klaro ng mga issues ASAP lalo na kung nalalagay sa alanganin ang mga babaeng nali-link sa kanya. Remember Yassi Pressman and Andrea Torres? Stand up for your woman – whether she’s a girlfriend or a female friend!

ADVERTISING