WALANG SAPAWAN: Direk Prime Cruz, ibinalanse ang roles ng “The Debutantes” girls

ADVERTISING

WALANG SAPAWAN: Direk Prime Cruz, ibinalanse ang roles ng "The Debutantes" girls

WALANG SAPAWAN: Direk Prime Cruz, ibinalanse ang roles ng "The Debutantes" girls
THE DEBUTANTES: Miles Ocampo,, Chanel Morales, Sue Ramirez, Jane de Leon and Michelle Vito

MABUTI at keri ni Direk Prime Cruz na ibalanse ang mga role ng limang bida niya sa pelikulang “The Debutantes” na produced ng Regal Films at ipapalabas na sa darating na October 4 .

 
Ang hirap kasi na pagsamahin ang limang mga bida sa pelikula na hindi magkakaroon ng inggitan sa magiging exposure nila sa suspense-horror movie tungkol sa mga magde-debut.
 
Sa trailer, iba ang dating ng pelikula. May shock factor na kung matatakutin ka ay baka umatras ka manood na walang kasama.
 
“During our shooting, the girls we’re okey. Walang intrigahan. Lahat nakikisama.” kuwento ni Direk Prime sa amin.
 
Iikot ang kuwento ng The Debutantes kay Kate played by Sue Ramirez na isang may pagka-wierdo na estudyante na walang kaibigan sa campus, kung saan mae-encounter niya ang pagiging bully nina Jenny (Jane de Leon); Candice (Michelle Vito) at Shayne (Chanel Morales). Ang nag-iisang si Lara (Miles Ocampo) lang ang mabait sa kanya.
 
WALANG SAPAWAN: Direk Prime Cruz, ibinalanse ang roles ng "The Debutantes" girls
Prime Cruz

Ewan kung anong special powers meron si Kate na pinagsabihan niya ang apat na dapat mag-ingat sila sa pagsapit ng kanilang 18th birthday na napanaginipan niya.

 
Ayon kay Direk Prime, hindi traditional na suspense-horror movie lang ang The Debutantes.
 
“sa kanilang lima, hindi mo alam kung sino ang may kagagawan ng death ng bawat isa sa iba’t ibang paraan. I call it rainbow horror type of movie, ”sabi nito na dapat ko nga panoorin para ma-gets ko ang sinasabing “rainbow” ni Direk Prime         
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING