WALANG PLANO MAG-ASAWA? Borgy Manotoc, napag-iwanan na ng mga past girlfriends

ADVERTISING

WALANG PLANO MAG-ASAWA? Borgy Manotoc, napag-iwanan na ng mga past girlfriends

WALANG PLANO MAG-ASAWA? Borgy Manotoc, napag-iwanan na ng mga past girlfriends
Borgy Manotoc

ANG LAKAS ng appeal niya mapa-babae man or mga bekis.

Akala ko nga ay happily married na si Borgy Manotoc na anak ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos.

“Until now binata pa rin siya. Ayaw pa rin mag-asawa,” sabi nito tungkol sa anak na isa sa mga elusive bachelor natin sa bansa.

I remember na na-link si Borgy noon sa star model na si Sarah Meier (na anak naman ng 70’s fashion model na si Elektrika) na akala ko ay magkakatuluyan ang dalawa.

ADVERTISING

Sarah is now married with Jon Heredia and now lives in New York.

WALANG PLANO MAG-ASAWA? Borgy Manotoc, napag-iwanan na ng mga past girlfriends
Borgy Manotoc and ex-girlfriend Georgina Wilson

Sunod na female personality na na-link kay Borgy ay ang dating society girl and lifestyle show TV host at isa sa mga  “It Girls” and former Asia’s Next Top Model host na si Georgina Wilson na pinagpistahan ang kanilang relasyon ng media dahil both ay open at liberated na nauwi din sa hiwalayan. Si Georgina naman ay happily married na sa mister na si Arthur Burnand in Hong Kong noong February 2016 in a civil wedding and on the same year ay isinagawa naman ang kanilang church wedding in April.

WALANG PLANO MAG-ASAWA? Borgy Manotoc, napag-iwanan na ng mga past girlfriends
Gov. Imee Marcos

Georgina has a baby boy named Archie at ang estado ni Borgy sa kasalukuyan ay naka-floating pa rin.

“I don’t know kung kalian siya mag-aasawa. He is old enough to decide kung sino ang pakakasalan niya,” kuwento pa ng inang si Imee.

Mayroong girlfriend ngayon ang binata na isang Australian-Filipino girl na love na love ng binata, tsika ni Gov. Imee sa amin.

Pangarap ng ina: “Sana magkaroon na ako ng apo kay Borgy. Ang tagal nga e,” sabi nito over dinner sa isang simpleng tsikahan with some entertainment media.

 

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING