WALANG PAGSISISI: Myrtle Sarrosa, happy sa Regal Films

ADVERTISING

WALANG PAGSISISI: Myrtle Sarrosa, happy sa Regal Films

WALANG PAGSISISI: Myrtle Sarrosa, happy sa Regal Films
Myrtle Sarrosa

DUMATING ng maaga si Myrtle Sarrosa sa media conference venue ng pelikula niyang “Ang Henerasyong Sumuko sa Love” ni Direk Jason Paul Laxamana na showing na sa October 2, Wednesday.

Nagmamadali ang dalaga na naintercept namin on her way to the 2nd floor ng Valencia Events Place para magpa-make-up for the presscon.

Accommodating si Myrtle sa amin. Tsumika para magkuwento ng update tungkol sa kanyang career at lovelife.Yes, second movie itong barkada movie ni Myrtle sa Regal with her five years contract kina Miss Roselle Montevrde at Mother Lily.

“I’m thankful kina Mother at Miss Roselle for this opportunity. Not all artista in showbiz ay nabibigyan ng ganitong chance and break. Inalagaan ako ng Regal kahit I’m with Star Magic,” sabi niya.

ADVERTISING

Sa movie she plays the role of Juna-Mae na isang promodizer na karelasyon ng boyfriend niya na si Hadji played by Albie Casino na very opposite sa karakter ng boyfie niya na isang hopeful romantic na opposite naman sa karakter niya sa pelikula. “I’m the practical girl. Hindi ma-emote. Hindi naniniwala na sa pagmamahalan ay may “forever”.  Ang ikinakatakot niya as Juna -Mae ay ang salitang “commitment”. Basta mahal kita, mahal mo ako ay tayo, Mahal natin ang isa’t isa.  Basta no label but in real life, magkabaliktad naman ang ang karakter niya as “siya” at sa pagiging si Juna Mae.

At the moment, in love si Myrtle sa isang non-showbiz guy (hindi na namin inurirat kung sino).” Wala siyang pakialam sa showbiz. Wala siyang alam pero he understands my work, me as an artista,” dagdag ng dalaga.

No selos. Hindi seloso si Mr. Loverboy ni Myrtle.

Pero ewan ko kung hindi pa siya magseselos kapag napanood niya ang tinatapos na movie ng girlfriend niya na The Annulment (also from Regal) na magpapaseksi na siya.

In the film, she plays the other woman, while si Lovi Poe naman ang legal wife na knowing Lovi, kung paseksihan din lang naman, walang uurungan na eksena ito sa kanyang mga pelikula.

Keri ba ni Myrtle tapatan or higitan at makipagsabayan kay Lovi sa kaseksihan sa movie nila?

“Kinausap ako ni Miss Roselle. She explained to me about my role. Daring for me pero I accepted it dahil maganda. Magiging maganda naman ang gagawing execution ng camera works. Basta I trust Miss Roselle for this role,” kuwento ng dalaga.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING