Walang naiipon at walang naipupundar? Jovit Baldivino, kinalasan na ang discoverer-manager!

Walang naiipon at walang naipupundar? Jovit Baldivino, kinalasan na ang discoverer-manager!

Walang naiipon at walang naipupundar? Jovit Baldivino, kinalasan na ang discoverer-manager! PUTOK NA ANG balitang naghiwalay na ng landas sina Jovit Baldivino at ang discoverer/manager nitong si Joy Maranan. Pera raw ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Hindi raw naire-remit nang buo ang kinikita ni Jovit ng kanyang manager. Sinasabing wala pang one million ang pera ng grand winner ng Pilipinas Got Talent kahit kaliwa’t kanan ang booking nito sa loob at labas ng bansa.

Nakipag-usap ang pamilya Baldivino sa kanilang abogado para mapawalang-bisa ang lifetime contract na pinirmahan nila kay Joy. Gusto raw nilang ang Star Magic ang mag-handle ng career ng kanilang anak. Ayon sa abogado ni Jovit, there’s no such things as lifetime contract.

Ang nakakaloka pa raw, sa iisang building parehong naka-tira sina Jovit at Joy, pero walang binabanggit ang pamilya Baldivino tungkol sa letter of revocation na pinadala sa kanya ng abogado ng tatay ni Jovit. Bakit kailangan pa raw may ganu’n? Puwede naman daw silang mag-usap nang maayos. Ang ginawa ni Joy, nag-consult sa kanyang lawyer at sinagot ang letter na ipinadala sa kanya. Nagpadala rin ang Star Magic ng letter kay Joy na ipinahihinto ang 20 percent  commission na pirmado nina Mr. Johnny Manahan at Ms. Mariolle Alberto.

Nang magharap sina Joy at Larry, hindi raw makaimik ang tatay ni Jovit. Three years contract na lang ang hinihingi ng discoverer/manager ay hindi pa rin ito mapagbigyan. Sa legal na usapan, hindi puwedeng baguhin ang kontrata na ang isang panig lang ang may gusto. Kailangan, mutual agreement. Ang 20 percent commission na nakukuha ni Joy sa bawat booking ang dahilan kung bakit gusto ni-lang kumalas sa da-ting manager, tsika sa amin.

Nilinaw naman ni Joy ‘yung tungkol sa lifetime contract. Ang totoo pala nu’n ay open-dated ang contract na pinirmahan ng pamilya Baldivino. First time kasi siyang nag-manage kaya wala raw siyang alam tungkol sa bagay na ‘yun, dahil nasa construction at trading business ang hawak niya. At dahil open-dated ang kontrata niya, agad pinagbigyan ng Star Magic ang request ng Baldivino family na tuluyang alisin ang 20 percent.

Naging maayos naman daw ang pag-uusap nina Joy at ng pamilya ni Jovit sa opisina ng Star Magic, ayon sa aming source. Pumayag si Joy na ang Talent Center ang mag-handle ng career ng dati niyang alaga. ‘Yung tungkol daw sa pera, ayaw nang pag-usapan pa ‘yun ni Jovit. Ayaw na nilang palakihin pa ang issue. Ang importante raw, okey na sila ni Joy.

Ang ipinagtataka raw ni Joy, bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakapagpupundar ng sariling bahay si Jovit. To think, more than 2 million pesos na ang pera ng magaling na singer. Ang pagkakaalam namin ay nakabili na ng lupa na palayan si Jovit sa Batangas City.

Ngayon si Marcelito Pomoy na lang ang nag-iisang alaga ni Joy, sana naman hindi matulad kay Jovit Baldivino ang nangyari sa kanya. Nangako raw itong never siyang iiwanan dahil tumatanaw ito ng utang na loob sa kanyang discoverer. Ganu’n ?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield