Walang maipakitang dyowa: Rufa Mae Quinto, ilusyunada! – Morly Alinio

Walang maipakitang dyowa: Rufa Mae Quinto, ilusyunada! - Morly AlinioWalang maipakitang dyowa: Rufa Mae Quinto, ilusyunada! - Morly AlinioIlusyunada si Rufa Mae Quinto!”

Ito ang tili ng isang taong malapit sa aktres dahil hindi raw totoo ang sinasabi nitong milyonaryong boyfriend.

“Actually, nu’n pa talaga gustong mag-asawa at magpakasal ni Rufa Mae, kaya lang ang problema ay parang walang lalaking gustong sumeryoso sa kanya,” say ng aming source.

Ayon pa rin sa aming source, “pagpapakasal” ang isa sa mga tunay na dahilan kung bakit nakipaghiwalay si Erik Santos kay Rufa Mae. “Hindi pa kasi handa si Erik, e, parang gusto nang magpakasal ni Rufa Mae kaya hayun nu’ng umayaw si Erik nakipag-break na si Rufa Mae,” dagdag ng aming source.

Sa kabilang banda, marami rin naman ang naniniwala na totoong may milyonaryong boyfriend si Ruffa kaya lang ay hindi nito maipakita sa publiko ang latest boyfriend dahil iyon ang kanilang usapan, na kailanman ay hindi dapat malantad ang non-showbiz boyfriend. “Sana nga ay hindi ilusyon lang ni Ruffa Mae ang sinasabi niyang boyfriend dahil nagmumukha siyang kawawa sa kanyang mga sinasabi.”

[ad#post-ad-box]

Sinabi ni Joem Bascon na okey lang sa kanya na maging instant daddy ng anak ni Meryll Soriano kay Bernard Palanca.

Wala siyang nakikitang masama kung gampanan niya ang tungkulin niya bilang “tatay” ng anak sa pagkadalaga ni Meryll.

“Nagmamahalan kami at iyon ang importante sa amin,” say ni Joem na nagsabi ring madalas silang magkasama ngayon ni Meryll at sa lahat ng kanyang naging girlfriend ay ngayon lang siya naligayahan. “Ibang klase kasi si Merylle, hindi siya mahirap pakisamahan at napakabuti niyang tao.”

Ayon pa rin kay Joem, hindi naging malaking hadlang ang pagiging dalagang ina ni Meryll sa kanilang pamilya. “Na-introduce ko na siya sa family ko at okey naman po sila dahil nababaitan sa kanya ang parents ko.”

Si Meryll ang babaeng gusto niyang pakasalan kaya lang sa tuwing sasabihin niya kay Merylle ang katagang kasal ay natatawa lang daw ang aktres. “Parang hindi pa kami yata handa. Minsan nga binibiro ko siya tapos tawa lang siya nang tawa.”

Bukod kina Sharon Cuneta, Angel Locsin at Kris Aquino ay pumapang- apat si Marian Rivera sa may pinakamaraming commercial na ineendorso.

“Magaan kasing endorser si Marian dahil sikat siya. Nadadala niya sa kasikatan kung anuman ‘yung produktong ipinakikilala niya “ pahayag iyon ng isang kapitalistang nakausap namin.

Samantala, kung gaano kasuwete si Marian sa commercial ay parang minamalas naman siya sa Darna dahil habang tumatagal ay papangit nang papangit ang nasabing programa na ang kuwento ay hindi mo alam kung saan pupunta.

Dati ay pinapanood namin ang Darna pero dahil magulo ang story na halatang niloloko na ang kanilang mga manonood ay inihinto na namin ang pakikipaglokohan sa kanila at hindi na namin pinapanood ang nasabing programang ito ni Marian.

Paging channel 7, alam ba ninyong habang tumatagal ay lalong pumapangit ang story ng Darna?

More Luck
by Morly Alinio