Walang commitment sa kahit na sinong babae Edu Manzano, happy na sa pagiging single!

Walang commitment sa kahit na sinong babae Edu Manzano, happy na sa pagiging single!

Walang commitment sa kahit na sinong babae Edu Manzano, happy na sa pagiging single! SOBRANG HAPPY ngayon si Edu Manzano sa takbo ng showbiz career ni Luis Manzano. Pati ang pakikipag-relasyon nito kay Jennylyn Mercado ay going stronger na labis na ikinatutuwa ng ama. Nakikita kasi niyang masaya’t maligaya ang kanyang panganay na anak sa piling ng actress. Kung si Jennylyn na raw ang gustong pakasalan ni Luis, buong-puso itong tatanggapin ni Doods. Nasa tamang edad na raw ang TV host/actor para magkaroon ng sarili niyang pamilya. Kung si Edu ang tatanungin, mas gugustuhin niya mag-asawa na lang si Luis, kaysa pumasok pa ito sa pulitika.

Pinag-aaralang mabuti ni Luis kung ready na siyang sundan ang yapak ng kanyang ina na si Gov. Vilma Santos ng Batangas. Nilinaw ng actress-politician na hindi niya hinihikayat ang anak na pumasok sa pulitika dahil alam nito na malaking responsibilidad ang maging isang public servant. Maging si Luis, hindi nagbibigay ng commment kung tatakbo nga siya sa year 2013 sa Batangas.

“I’m turning 57 this year. ‘Yung mga anak ko na nakikita ninyo noon, ‘yung bunso is 17, naglalaro sa La Salle. And then, ‘yung  maganda at maliit, she’s studying in Ateneo. Busy time in my life na I want to spend more and more time with them. I’ve never been happy with my children than I have now,” seryosong sabi ni Edu na co-host ni Joey de Leon sa Game ‘N Go ng TV5.

Sa edad ngayon ni Edu, hindi ba siya naghahanap ng makakasama sa pagtanda niya? “No, sila ang hinahanap ko. I have to admit, many times I regret the fact na inuna ko ang trabaho kaysa ‘yung pagpapakita ng atensiyon at pag-aalaga sa mga bata. Isa ‘yun sa mga regrets ko sa buhay. Secret ito, pero one time, my daughter said, ‘I don’t see you anymore’. To this day, nakatanim pa rin ‘yun. Never, never will my children say that to me again,” pahayag niya.

Sa totoo lang, pagdating sa financial needs ng mga bata, tuition fee, allowance, etc., si Edu ang sumusuporta sa mga ito kaya masasabing responsible father si Edu Manzano. Wala na sa isip ng actor-TV host ang mag-asawa muli. Happy na raw siya ngayon sa pagiging single, walang commitment kahit kaninong babae. Sa ngayon, priority ng actor ang kinabukasan ng kanyang mga anak. Alam niyang marami siyang pagkukulang sa mga ito kaya this time, naka-focus ang kanyang atensiyon sa mga panga-ngailangan ng mga bata.

Kahit pa-girlfriend-girlfriend na lang bibigyan pansin pa rin kaya ito ni Edu? “Well, you will never kuwan, if it comes, it comes, eh. For me, right now, it’s my children,” wika niya.

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield