Wala raw problema sa kanila
Rayver Cruz, itinangging break na sila ni Cristine Reyes

ADVERTISING

<i> Wala raw problema sa kanila</i><br> Rayver Cruz, itinangging break na sila ni Cristine Reyes

<i> Wala raw problema sa kanila</i><br> Rayver Cruz, itinangging break na sila ni Cristine ReyesSA NAKARAANG SunPiology Run and Star Magic Gives Back concert kahapon ay naka-usap namin si Rayver Cruz na isa sa nagbigay ng number niya sa nasabing free concert at dito ay hiningan namin siya ng reaksyon sa mainit na bulung-bulungan na break na raw sila ng girlfriend na si Cristine Reyes.

Ayon sa aktor, natatawa na lang siya sa paulit-ulit na issue na hiwalay na sila ng girlfriend  at palaging pagtatanong sa kanya ng iba’t ibang shows gayong maayos naman ang tinatakbo ng kanilang relasyon at walang problema sa kanila ni AA.

Hiningan din namin siya ng reaksyon sa sigalot ng girlfriend sa kanyang pamilya kung saan balitang ang pinakahuling nakasamaan ng loob ni Cristine pagkatapso ng kanyang Ate Ara ay ang Kuya naman nito.

Hindi na nagbigay ng mahabang pahayag si Rayver dahil usapang pampamilya ang isyung ito. Pero nagbigay kasiguraduhan ang young actor na lagi itong nasa tabi ng girlfriend sa anumang problemang kinahaharap nito sa ngayon.

ADVERTISING

Tinanong din namin siya sa rebelasyon ni Joross Gamboa na hindi ito natuloy sa seryeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin dahil napalitan lang daw siya ni Rayver para sa nasabing role at ito ay minaniobra raw ni Cristine.

Ipinaliwanag sa amin ni Rayver na tinawagan siya ng staff para sa nasabing role at tinanggap niya ito dahil nagustuhan niya ito, lalo’t makakasama niya rito ang matalik na kaibigan na si Gerald na noon pa man ay gusto na niyang makasama sa isang proyekto.

 

SA NASABING event din ay nakausap namin si Jason Abalos na tumakbo ng 3K at kumanta rin sa nasabing concert ng SunPiology. Habang walang serye ay tinapos niya ang dalawang indie films, ang Death March at ang Mater Dolorosa ng Cinema One Originals, kung saan makakasama niya ang mga mahuhusay na artista tulad nila Gina Alajar, Alessandra de Rossi, Carlo Aquino, Rossana Roces sa ilalim ng direksyon ni Direk Adolf Alix.

Napag-usapan ang tungkol sa ex-girlfriend na si Jewel Mische, ikinuwento sa amin ni Jason na maayos ang paghihiwalay nila ng aktres, kung saan ang pagkakaroon ng kani-kaniyang priorities sa buhay ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

<i> Wala raw problema sa kanila</i><br> Rayver Cruz, itinangging break na sila ni Cristine Reyes

Sa ngayon ay nakakapag-text pa rin sa isa’t isa at napananatili ang pagiging magkaibigan, ang ikinaganda sa dalawa ay hindi na sila nagsalita. At kung magpaunlak man sila ng interviews tungkol sa break up nila, tipid pa rin ang kanilang mga sagot at pinanatiling pribado kung anuman ang itinakbo at naging dahilan ng kanilang break-up kung kaya’t iwas intriga at kontrobersiya.

 

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING