Wala raw makapagsasabi sa p’wedeng mangyari
Gerald Anderson, ‘di nagsasara ng pinto kina Kim Chiu at Sarah Geronimo

ADVERTISING

<i> Wala raw makapagsasabi sa p’wedeng mangyari </i><br>Gerald Anderson, ‘di nagsasara ng pinto kina Kim Chiu at Sarah Geronimo

<i> Wala raw makapagsasabi sa p’wedeng mangyari </i><br>Gerald Anderson, ‘di nagsasara ng pinto kina Kim Chiu at Sarah GeronimoAGAD NAMING hini-ngan ng reaksyon si Gerald Anderson nang makausap namin siya sa nakaraang Star Awards for TV ng PMPC sa naging kontrobesiya sa nabitawan niyang pahayag sa presscon ng 24/7 na hindi siya nagsasara ng pinto na maaaring sa huli ay sila pa ring dalawa ng ex-girlfriend na si Kim Chui.

Open book naman kasi ang panliligaw ni Xian Lim kay Kim at bali-balita na sila pa ring dalawa ni Sarah Geronimo, pero pilit lang daw itong tinatago ng dalawa. Ipinaliwanag sa amin ng aktor na walang makakapagsabi sa kung ano ang puwedeng mangyari sa hinaharap.

Aminadong nagkaroon ng ilangan nu’ng mga unang eksena nila ni Kim, pero nawala rin ito at ngayon ay nabalik na ang kanilang pagkakaibigan at closeness. Ang masayang-masaya sa pagbabalik-tambalan at pagiging malapit muli ng dalawa ay ang masusugid nilang mga tagahanga, partikular na ang KIMERALDS.

Tinanong din namin ang balita na nakita raw si Gerald sa set ng Sarah G. Live! na kinausap daw si Mommy Divine, butihing ina ng Pop Princess. Klinaro naman sa amin ni Gerald na walang katotohanan ang lumabas na balita. Kinumusta din namin kung nakapag-uusap pa ba sila ni Sarah, pero ayon kay Gerald ay wala na silang komunikasyon sa ngayon ng aktres. Tulad ng kay Kim, hindi rin nagsasarado ng pinto ang aktor sa kanila ni Sarah.

ADVERTISING

Nabibigyang-kulay sa ngayon ang closeness at sweetness kina Gerald at Janice de Belen, kung saan nagkasama sila sa seryeng Budoy at gumanap na ina-inahan niya ang aktres. Natawa na lang si Gerald sa isyu at ayon dito ay nanay ang turing niya kay Janice. Nakiusap pa nga sa amin ang aktor na ‘wag na naming tanungin pa ang TV host/actress dahil nakakahiya rito.

Aminadong bukas siya sa pakikipag relasyon, pero sa ngayon ay hindi naman minamadali ang lahat dahil naniniwala si Gerald na darating ito nang kusa. Nang tanungin namin kung gusto niya rin bang non-shiowbiz girlfriend tulad ng ibang mga artista na may karelasyong pinili ang hindi taga-showbiz, kung mabibigyan ng pagkakataon ay non-showbiz din sana ang gusto ni Gerald para mas tahimik at iwas-intriga.

 

SA NAKARAANG Star Awards din ay nakausap namin si Pokwang na tinanghal naman bilang Best Comedy actress, ka-tie si Rufa mae Quinto. Masaya at maligaya ang komedyana sa karangalang tinanggap lalo’t nanalo rin ang Toda Max bilang Best Comedy Show at si Robin Padilla bilang Best Comedy Actor. Klinaro sa amin na wala pa rin siyang lovelife sa ngayon taliwas sa mga naglabasang balita na may foreigner boyfriend siya sa ngayon.

Balita rin na may sama ng loob sa kanya ang kaibigang si Chokoleit dahil pakiramdam daw nito ay iniwan siya sa ere ni Pokwang. Nagpapatawang sini-guro sa amin ng aktres na maayos ang pagkakaibigan nila ni Chokoleit at walang katotohanan ang mga lumabas na kuwento.

 

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING