Wala pang 2 buwang magnobyo Shalani Soledad at Cong. Roman Romulo, pinaplano na ang kasalan!

ADVERTISING

Wala pang 2 buwang magnobyo Shalani Soledad at Cong. Roman Romulo, pinaplano na ang kasalan!

Wala pang 2 buwang magnobyo Shalani Soledad at Cong. Roman Romulo, pinaplano na ang kasalan! HANGGANG NGAYON, ANG dami pa ring nangungulit sa akin kung talagang totoo na raw ba ‘yang pagpapakasal ng bago kong alagang si Shalani Soledad at si Cong. Roman Romulo.

Eh, sa totoo lang, kahit ako hindi rin makapaniwala hanggang ngayon.

Nu’ng nag-usap kami ni Shalani, ganu’n din ang naramdaman niya.

Hindi raw niya maipaliwanag kung ano ang naramdaman niya. Basta dumating na lang daw ang ganu’ng feelings nang manligaw sa kanya si Roman at sobrang bilis ng mga pangyayari, nag-propose na ng kasal at tinanggap naman niya.

ADVERTISING

Gusto nga ni Shalani na kasama ako sa get together ng pamilya para magkakilala na silang lahat.

Wala pa yatang dalawang buwan ang kanilang relasyon, pinaplano na ang kasalan kaya hindi pa nga talaga sila magkakilala nang husto pati ang pamilya nila.

Pero hindi naman natin saklaw ang naramdaman nila sa isa’t isa kaya i-wish na lang natin sila na maging maayos ang lahat at tuluy-tuloy na maganda ang kanilang relasyon.

Wala pa naman silang final date ng kasal, pero pinag-iisipan na raw nila kung hindi January, February next year.

Kaya kaabang-abang iyan dahil mara-ming mga taong involved ang guguluhin sa kasalan na iyan.

Isa na d’yan siyempre si P-Noy na tiyak na kukunan ng reaksyon sa pagpapakasal ng dating girlfriend.

Ang isa pang hihingan din ng reaksyon ay si Willie Revillame dahil na-in love din iyan noon kay Shalani.

Alam naman ‘yan ni Willie noon pa, eh. Kaya tanggap na niya iyan.

May mga nagtatanong din sa akin kung tuloy pa rin ba si Shalani sa paghu-host sa Wil Time Bigtime ‘pag kasal na ito.

Depende pa rin sa kanya iyan siyempre. Baka gusto na lang niyang mag-plain housewife, choice niya ‘yun.

Wala namang sinasabi si Willie na kapag Mrs. Romulo na siya maghahanap na siya ng ibang co-host.

Kung matutuloy si Mariel Rodriguez sa Wil Time, puwede pa rin namang kasali rin si Shalani.

Siya na ang bahala kung gusto pa niyang ituloy ang kanyang showbiz career.

Alam ko, may binabalak pa nga si Boss Vic del Rosario na show para sa kanya na pagsasamahan daw nila ni Papa Erap, pero ewan ko kung tuloy pa ‘yun.

Abangan na lang natin!

 

MALAKI ANG PASASALAMAT ni Mark Herras kay Cesar Montano dahil sa malaking break na ibinigay sa kanya sa pelikulang Hitman na pinagbidahan at dinirek ni Cesar.

Napaka-challenging na role ang ibinigay nila kay Mark at talagang inalagaan ni Cesar ang karakter dito ni Mark.

Hindi lang nga si Cesar ang nagtitiyaga na magturo kay Mark kundi pati si Phillip Salvador na kasali rin sa pelikulang ito.

Pati rin si Ricky Davao na madalas na kaeksena ni Mark ay ginagabayan pa niya ito para maganda ang kalalabasan ng role ng alaga ko.

Kaya ibang Mark daw ang mapapanood dito sa Hitman. First time ni Mark na gampanan itong role na mabait daw pero may kakaibang karakter siya rito na surprise daw ‘yun sa mga manonood.

Hindi nga maikuwento ni Mark ang buong detalye ng role niya dahil may surprise nga rito.

Basta ang laking hirap niya sa role niya rito na inaasa-hang magugustuhan ng mga fans niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING