Wala pa raw formal break-up Derek Ramsay, umaasang maaayos ang problema nila ni Angelica Panganiban

Wala pa raw formal break-up Derek Ramsay, umaasang maaayos ang problema nila ni Angelica Panganiban

Wala pa raw formal break-up Derek Ramsay, umaasang maaayos ang problema nila ni Angelica Panganiban

PERSONAL NA nakausap ng Pinoy Parazzi si Derek Ramsay, at ayon sa aktor, totoong may pinagdaraanan sila ngayon ni Angelica Panganiban. “Nasa Bangkok si Angel at ako naman dito sa Boracay, kaya wala pa kaming communication sa ngayon.”

Pero hindi itinatanggi ng aktor na kulang ilang linggo na silang hindi nakapag-uusap ng kasintahan. “Actually, kung meron mang dapat magsalita, si Angel ‘yun. Ayokong magsalita tungkol sa bagay na iyan.”

Dahil naniniwala si Derek na mas makabubuting manahimik siya dahil posible pa raw na maayos kung anuman ang problema nila ng kasintahan.

“Kilala naman n’yo ko, Morls, madali akong masaktan. At sa nangyayaring ito, siyempre nalulungkot ako dahil alam n’yo naman kung paano kami nagmahalan ni Angel,” sabi pa sa amin ni Derek.

Sa kabuuan ng kanyang pahayag, sinabi ni Derek na cool-off sila ni Angel, pero wala pang formal na hiwalayan.

 

LABING ISA na ang anak ni Jay Manalo sa magkakaibang babae. Siyam ang anak niyang babae at dalawa ang lalake.

“Hindi naman ako naniniwala sa kasabihan na ang mga anak na babae ay pambayad-utang,” panimula iyon ni Jay nang kausapin siya ng Pinoy Parazzi sa opening ng Bogsu na pag-aari ni Eric Quizon.

Ayon kay Jay, maganda naman daw ang samahan ng mga babaeng nagdaan sa kanyang buhay. “Maski na ‘yung mga husband nila, ok naman kami. ‘Yung isa nga, nakakasama ko pa sa basketball. Ganu’n naman talaga ang buhay, ‘di ba?”

Sinabi pa ni Jay na labing-isa man ang kanyang supling, hindi siya naging pabayang ama ng kanyang mga anak. “May mga okasyon na nagkakasama-sama sila at nakakatuwang tingnan ang mga bata dahil magkakasundo naman sila.”

Samantala, sinabi ni Jay na willing pa rin siyang magpa-sexy. “Sexy pa rin naman ako ngayon, ‘di ba? May katawan pa rin naman ako. Kaya lang, siguro huwag na ‘yung sobra talaga na tulad sa mga ginagawa ko noon.”

Sa kabuuan, sobrang nagpapasalamat si Jay dahil hindi siya pinapabayaan ng TV5 na kung saan ay na-extend na naman ang programang Isang Dakot na Luha, kung saan ay kasama niya rito sina Sheryl Cruz, Glydel Mercado at Alice Dixson.

 

BLIND ITEM: Sino kaya itong ina ng isang kilalang aktres na tumakbong hubo’t hubad sa kanilang lugar? Kuwento ng aming source, “May sayad ang lahi nila kaya siguro nangyari iyon.”

Ayon pa rin sa aming source, huwag na tayong magtaka pa kung kakaibang kumilos at magsalita ang mataray na ina, dahil “may sapi” ang pag-iisip nito. Madaling gumawa ng tsismis ang mag-inang ito kaya nakakatakot sila,” pagdidiin pa ng aming kausap.

Kilala kaya ni Jobert Sucaldito kung sino ang bida sa blind item na ito? Tsuk!

More Luck
by Morly Alinio