Wala pa kasing sinabi na natupad
Kris Aquino, wala nang naniniwala!

ADVERTISING

<i>Wala pa kasing sinabi na natupad</i><br>Kris Aquino, wala nang naniniwala!<i>Wala pa kasing sinabi na natupad</i><br>Kris Aquino, wala nang naniniwala!NAKAALIS DIN si Kris Aquino kasama ang mga anak niya patungong Europe kahapon.

Nakabantay raw nang husto ang PSG at ang airport police dahil iniiwasan daw itong makunan ng media at para hindi sila ma-interview. Pero bago sila umalis, nagpa-interview daw muna si Kris sa GMA-7 at ABS-CBN 2.

Nagtataka naman ako bakit siya nagpa-interview, eh akala ko ba may gag order?

Siyempre, mas alam naman nila ‘yun at alam ng abogado niya. Bukod pa riyan, may power sila at kaya naman nilang gawin ‘yan at lusutan ‘no!

Kaya lang, bakit parang ang daming nairita sa ginawa ni Kris? Pati tuloy mga kapatid niyang babae, dinamay niya. Na ang dinig ko, nagulat daw si Pres. Noynoy Aquino na pati sila sumali riyan.

ADVERTISING

Ang isa pa ngang narinig ko, mababa raw pala ang ratings nu’ng interview na ‘yun ni Kris na lumabas sa TV Patrol, kaya disappointed daw ang ABS-CBN 2.

Naglabas din ng statement ang ABS-CBN 2 na imi-meet daw nila si Kris pagbalik nito galing sa bakasyon sa Europe dahil kailangan daw nilang pag-usapan ang plano nito sa kanyang career.

Ang sabi du’n sa statement, hindi raw puwedeng mawala si Kris sa Pilipinas Got Talent dahil commitment nila ‘yun sa franchise nila na kasali ito hanggang sa matapos sa June.

‘Yung Kris TV daw nito, marami siyang nabangko na episode kaya tuloy pa rin siyang napapanood.

Sa Kailangan Ko’y Ikaw, malapit na rin itong matapos, kaya kailangan nila si Kris sa ending.

Tama talaga ang hula ng karamihan na hindi naman matutuloy ang resignation na ‘yan ni Kris, dahil lagi naman niyang sinasabi.

Mawawala lang sandali, tapos balik na naman. Tuloy wala nang naniniwala sa kanya.

Sa isyung ito, mas marami ang naniniwala at nakisimpatiya kay James Yap.

Ayaw na nga raw niyang magsalita sa nga-yon dahil mas gusto raw niyang manahimik na lang talaga.

Sabi nga ng abogado nitong si Atty. Lorna Kapunan, sinarili na lang daw ni James ang lungkot niya sa mga nangyari. Ayaw na lang daw niyang magsalita pa, at mabuting manahimik na lang daw siya.

 

SI BELA Padilla na pala ang napiling leading lady ni Richard Gutierrez sa bagong primetime series nito sa GMA-7 na Love and Lies.

Hindi na yata talaga matutuloy ang renewal ni Lovi Poe sa GMA 7, kaya tuloy na raw ito sa TV5.

Maganda raw kasi ang offer at binigyan pa raw ng posisyon ang manager niyang si Leo Dominguez sa mga programang gagawin doon ni Lovi. Tempting nga naman ang offer.

Nakapag-taping na si Bela sa Love and Lies at okay naman daw ang samahan nila ni Richard, kasama pa sina Sid Lucero at Paolo Contis.

Magandang break ito kay Bela dahil panghapon lang siya dati, ngayon sa primetime na siya, kasama pa si Richard Gutierrez.

Kahit naka-concentrate na si Richard sa bagong series niya, abala pa rin naman siya ngayon sa promo ng My Lady Boss kasama si Marian Rivera dahil magsi-showing na ito sa April 10.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING