Wala naman daw patutunguhan
Julia Montes, hindi na ipinilit ang sarili kay Enchong Dee

ADVERTISING

<i>Wala naman daw patutunguhan</i><br>Julia Montes, hindi na ipinilit ang sarili kay Enchong Dee

<i>Wala naman daw patutunguhan</i><br>Julia Montes, hindi na ipinilit ang sarili kay Enchong DeeSA PANAYAM namin kay Julia Montes kamakailan, agad naming kinumusta sa kanya kung may komunikasyon pa ba silang dalawa sa ngayon ni Enchong Dee pagkatapos nilang kumpirmahin sa interview nila sa Showbiz Inside Stories na nagdesisyon na ang aktor na ihinto na ang panliligaw sa kanya.

Ayon kay Julia, wala silang komunikasyon sa ngayon ng aktor. Makahulugan ang binitawang salita niya sa amin na ano ang ibibigay niya kung wala naman siyang natatanggap. Nu’ng usisain namin kung ano ang ibig sabihin nito, ipinaliwanag sa amin ni Julia na wala siyang natatanggap na anumang text o ano pa man kung kaya wala siyang maibabalik.

Hiningi rin namin ang reaksyon niya sa obserbasyon ng iba na mukhang si Enchong ang nakitang mas apektado sa kanilang dalawa sa interview nila sa SIR. Ayon kay Julia, matapang lang siya. Hindi naging sila at iba ang naging friendship nila dahil lumalabas sila, sa mismong deskripsyon ni Julia ito ay malabong usapan, malabong estado at malabong pagkakaibigan.

Tinanong din namin sa naging pahayag ni Enchonng na ‘it takes two to tango’ na ang pinatutungkulan ng aktor ay dapat may effort sa parte ng dalawang magkarelasyon at ‘di puwedeng isa lang, sinang-ayunan naman agad ito ng aktres.  Dagdag na paliwanag pa ni Julia, kahit gaano mo kamahal ang isang tao o kahit gaano ito kaimportante sa iyo, mapapagod ka sa huli kung alam mong ikaw lang ang nagbibigay. Tinanong namin kundi ba siya nagkulang sa effort, agad kaming sinagot ni Julia na siya pa raw ba. Siniguro niya sa amin na ibinigay niya ang best effort na maibibigay niya at nasa lebel siya na masasabi niyang best effort talaga siya.

ADVERTISING

<i>Wala naman daw patutunguhan</i><br>Julia Montes, hindi na ipinilit ang sarili kay Enchong DeeAyon kay Julia, ayaw niyang ipilit ang isang bagay na alam niyang walang kahahantungan. Aminado na hindi puwedeng mawala ang espesyal na damdamin nang agad-agad sa isang tao na naging importante sa kanya, lalo’t sa lahat ng naging kaibigan niya ay napalapit talaga sa loob niya si Enchong.

Klinaro uli sa amin na walang kinalaman sa paghihiwalay nila ni Enchong si Coco Martin na naging kapareha niya sa Walang Hanggan at ngayon naman ay sa launching movie nila na A Moment In Time, nagbigay kasiguraduhan sa amin si Julia na ‘di nanliligaw sa kanya ang kapareha at wala itong ginagawang anumang aksyon na nagpapakita na gusto nitong manligaw sa kanya o maging sila.

Kitang-kita na nagbabawas na ng timbang, bukod sa importante sa kanilang mga artista ang payat ay para rin ito sa preparasyon ng nalalapit niyang debut sa Marso.

Sa presscon ni Coco Martin para sa kanyang serye na mapapanood na sa Febraury 4, masaya ito na siya ang first choice  ng creative team ng serye.

Ayon kay Coco, representative siya ng lahat ng mga Pilipino. Mahirap man ang kanyang role dahil hindi nakapagpreparang mabuti sa fight scenes niya rito, kung saan minsan ay sumusuko na ang kanyang katawan sa pagod, sobrang proud at saya ni Coco na bukod sa maganda ang istorya ng pagbibidahang serye ay mahuhusay ang mga kasama niya rito gaya nila Albert Martinez, Zsa Zsa Padilla at Gina Pareño at iba pa.

Sa ngayon, wala pa ring panahon sa lovelife, hindi nagsasarado sa tawag ng pag-ibig pero ang pokus ni Coco ay nasa mga proyekto na ipinagkakatiwala sa kanya ng Kapamilya Network, sa kanyang pamilya at ang pag-ibig para sa kanya ay ‘di minamadali at kusa itong dumarating.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING