Wala na kasing projects
Claudine Barretto, ibinebenta na ang mga mamahaling bag!

ADVERTISING

<b>Wala na kasing projects </b><br>Claudine Barretto, ibinebenta na ang mga mamahaling bag!

<b>Wala na kasing projects </b><br>Claudine Barretto, ibinebenta na ang mga mamahaling bag!DAHIL WALA nang TV project at movie si Claudine Barretto magmula nang masangkot silang mag-asawa na si Raymart Santiago sa Tulfo brothers, dumalang na ang trabaho ng actress.

Dahil may anak at pamilya na si Claudine, kailangan din nila ng panggastos sa araw-araw na pangangailangan.

Sa dami ng bags na mamahalin ay naisip daw ng maybahay ni Raymart na ibenta na lang ang mga ito dahil ‘di naman niya nagagamit. Kaysa matengga lang sa kanilang tahanan, minabuti na lang daw na ibenta ang mga ito.

Ang masakit, lumalabas na naghihirap na ang mag-asawa kaya pinagbebenta na ang mga signature bags. Unfair naman sa mag-asawang Claudine at Raymart ang naturang paratang. Karapatan ni Claudine na ibenta ang gusto niya, dahil una ay kanya namang gamit ang ibenebenta niya.

ADVERTISING

Pangalawa, hindi lang naman si Claudine ang nagbebenta ng kanilang gamit, particular na ang signature bags. Marami ring sikat na celebrities ang nagbebenta ng kanilang personal belonging para maging pera at hindi mabulok na lang sa kanilang tahanan. ‘Di ba, my dear editor?

 

UMATRAS NA nga si Alma Moreno sa pagtakbong senador sa 2013 elections dahil sa sakit nitong multiple sclerosis.

Kinausap daw ni Ness (tawag kay Alma) ang kanyang mga anak para sabihin na aatras na siya dahil sa kanyang sakit.

Matinding pagod kasi ang aabutin ni Ness kapag nagpatuloy sa pa-ngangampanya sa pagka-Senador sa darating na election. Hindi nito kakayanin ang pagod at baka ito pa ang maging dahilan ng kanyang pagkamatay nang wala sa oras.

“Aanhin ko ang panalo kung kapalit naman nito ay aking buhay,” say ni Ness.

Dahil sa almost lahat ng mga sikat na celebrities ay nagpapagamot sa ibang bansa sa pamamagitan ng stem cell theraphy, nagdesisyon na rin pala si Ness na magpagamot. Pero ang pagkakaiba ay rito siya nagpa-stem cell at hindi sa ibang bansa.

Malaki ang paniwala ni Ness na magagamot at makatutulong sa kanyang karamdaman ang pagpapa-stem cell.

Dalangin din namin na sana nga ay makatulong ito sa former sexy actress para malunasan ang kanyang karamdaman.

 

ITINATWA NI Maja Salvador ang balitang si Sam Milby ang third party sa breakup nila ng boyfriend na si Matteo Guidicelli.

Sa bagong serye ni Maja sa ABS-CBN na Ina, Kapatid, Anak, naitsika nito na walang katotohanan ang nasabing isyu.

Sabi ni Maja, nagsimula raw ang isyu noong concert ni Sarah Gero-nimo na 2/SG sa Araneta Coliseum, kung saan kasama niya si Sam.

Ayon sa actress, hindi raw dapat si Sam ang kasama niya sa concert ni Sarah. Nagkataon daw kasi nang gabi ng concert ay may show sila ni Sam sa Batangas.

“Mayroon kasi akong five tickets for Sarah concert at that night ay sobrang lakas ng ulan. Dapat kasama ko si John Lloyd (Cruz) at handler ko. Sabay-sabay sana kaming manonood. Kasama ko rin ang pinsan ko at fiancée nito.

“Hindi nakasama ang handler ko dahil nabaha at si John Lloyd naman nagsi-shooting for The Mistress. Eh, ‘yung ticket expensive, ha? Binili ko siyempre bilang suporta kay Ate Sa-rah. So, sabi ko ‘yung friend ko na si Ate Mickey ang sinama ko. And then si Sam nandoon at tinanong niya kung ano ang gagawin ko after ng show namin. Sabi ko manonood ako ng concert ni Sarah.

“Tapos sabi niya, ‘ah yeah, ngayon nga pala concert ni Sarah’. Biniro ko nga siya (Sam) na binebenta ko ‘yung ticket ko na P10,000. So, to make the story short, sumama na lang si Sam sa akin sa concert .”

Nasa isip na rin daw nina Maja at Sam na baka matsismis sila that night dahil ‘di pa alam ng mga tao na wala na sila ni Matteo.

Aminado naman si Maja na crush niya si Sam noong time na magsama sila sa Impostor kaya raw siguro ‘di mamatay-matay ang isyu sa kanila.

“Kaya siguro sinasabing third party. Hindi ko naman masasabing mali na nagsama kami sa concert ni Sarah kasi wala naman talaga. Sasabihin kong mali kung mayroon kaming something. Eh, wala talaga,” pagdidiin ni Maja.

 

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING