Wagi sa Ratings Game: Coco Martin, tunay na Hari ng Primetime!

ADVERTISING

Wagi sa Ratings Game: Coco Martin, tunay na Hari ng Primetime!

Wagi sa Ratings Game: Coco Martin, tunay na Hari ng Primetime!
Coco Martin

NAGTATAKA LANG ako kung papaano naipagsasabay ni Coco Martin ang trabaho niya bilang isang artista ng # 1 show in Philippine Television at ang work niya as director ng MMFF 2017 entry na Ang Panday.

 
As actor of Kapamilya’s one and only aksyon-serye; pinatunayan ni Coco na siya ang nag-iisa at nangunguna sa ligang ito na nasa pangalawang taon na sa ere.
 
Sa ikalawang libro ng serye, mas mahigpit ang tunggalian ng masama sa mabuti na siyang foremost objective ng show na ipakita sa mga manonood  lalo na sa bata at mga teenagers ang masamang dulot ng hindi tamang gawa.
 
Naka-ungos pa rin ang aksyon-serye ng aktor over sa pantaseryeng Mulawin vs. Ravena sa rating na inilabas ng Kantar Media in last night (July 25, Tuesday episode).
 
Sa Nationwide nakakuha ng 37.6% ang aksyonserye over Mulawin vs Ravena na 20.6% lang. Ang Mulawin vs Ravena sa Rural Rating ay nakakuha lang ng 19.9% na naungusan na naman ng FPJ’s Ang Panday na nag-rate lang ng 39.6& sa Tuesday episode  with hashtag #FPJAPUbusan
 
Wagi sa Ratings Game: Coco Martin, tunay na Hari ng Primetime!
Coco Martin and Lito Lapid

Sa bagong aklat, kasama ang dating Sen. Lito Lapid na isang major karakter sa aksyon serye.

 
Sa totoo lang, parang walang kapaguran ng aktor sa kanyang ginagawa. Ubusan ng lakas sa taping ng aksyon serye na kadalasan ay paumagahan natatapos. Mabuti na lang at hindi nagsa-suffer ang pagdidirek naman niya ng Ang Panday na recently ay nag-first shooting day na ang leading lady niya na si Mariel de Leon.
 
On the other hand, naging viral ang pagiging idolo ni Apo Whang-ud sa aktor na isang mambabatok (traditional tattooist ng Brgy. Buscalan sa bayan ng Tinglayan sa lalawigan ng Kalinga kung saan tuwang-tuwa ang matanda sa sa ipinadalang pillow na may nakalapat na picture ni Coco at signed framed photo ni “Cardo”.
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING