VP Leni inspirasyon ni Moira dela Torre sa bagong kanta

Leo Bukas

NAGSILBING inspirasyon ng singer na si Moira dela Torre si Vice President Leni Robredo sa ginawa niyang bagong kanta na pinamagatang “Ipanalo Natin ‘To”.
Sinorpresa ni Moira ang mga dumalo sa grand rally ni VP Leni sa Dagupan, Pangasinan nang awitin niya ang nasabing kanta.

VP Leni inspirasyon ni Moira dela Torre sa bagong kanta
Moira Dela Torre

Noong nakaraang buwan, pormal na inihayag ni Moira ang suporta sa kandidatura ni VP Leni bilang pangulo. Ayon kay Moira, nais niya sanang lumayo sa pulitika nguni’t nag-iba ang kanyang pananaw nang ipakilala siya ng singer-songwriter na si Lolito Go kay VP Leni.

Pagkatapos noon ay nagsimulang magsaliksik ang singer ukol sa mga nagawang proyekto at programa ni VP Leni para sa bansa at doon na siya humanga nang husto sa Bise Presidente. Tumibay pa ang kanyang paghanga kay Robredo nang makasama siya sa grand rally nito sa Zamboanga.

Aniya, nang matapos ang speech ni VP Leni, doon niya nasiguro na tama ang sinusuportahan niyang kandidato. Pag-uwi niya galing Zamboanga, sinimulan niyang isulat ang “Ipanalo Natin ‘To”.

Umaasa si Moira na magsisilbi ang kanta bilang inspirasyon at paghuhugutan ng lakas ng mga tao para ipaglaban ang kinabukasan ng bansa sa pamamagitan ng pagboto nang tama.

Previous articleVLOG WATCH: How Heart Evangelista became her own Pure Living Boss
Next articleSean de Guzman gagawing dramatic actor ni Joel Lamangan sa ‘Fall Guy’