Volleball star Alyssa Valdez, celebrity na celebrity ang status

Volleball star Alyssa Valdez, celebrity na celebrity ang status

Alyssa-ValdezANG SHOWBIZ at pulitika raw ay iisa? ‘Yan ang madalas sabihin ng iba. Pero pagdating sa sports, halos ganoon na rin ngayon. Dahil nga ang volleyball players natin ngayon ay instant celebrity na rin. Si Rachel Quiz nga ay kasama sa FHM na pumarada noong Sabado ng gabi. At pagdating naman sa fans ay hindi rin patatalo itong si Alyssa Valdez ng Ateneo.

An’dami niyang fans at isa nga sa bidang-bida ay ang Alyfinity.

At sa totoo lang, superstar na superstar ang dating niya dahil nga pati ang TV commercials ay pinasok na rin niya.

Sa dami nga ng fans ni Alyssa, marami ang nagtatanong na rin sa amin kung kumusta na ang kanyang lovelife? May boyfrend ba siya o manliligaw?

Pati na nga sa aming radio program sa Radyo Inquirer, Nueve Noventa 990 ay marami kaming listeners na tanong nang tanong about Alyssa.

At ayon nga sa aming source, nali-link ngayon kay Alyssa dimunao ang manliligaw niyang taga-University of the Philippines na varsity rin ng volleyball. Guwapo at tahimik lang daw ang lalaki at magaling maglaro ng volleyball. So, hindi hindi zero ang kanyang lovelife. Alfred Valbuena ang name. ‘Yun na!

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!