Vocalist ng Slapshock na si Jamir Garcia pumanaw na

Leo Bukas

ISANG malungkot na balita ang gumulat sa supporters and fans ng Slapshock nitong Huwebes, November 26. Pumanaw na kasi ang frontman at vocalist ng Slapshock na si Vladimir Garcia o mas kilala bilang Jamir.

Ikinalungkot din ng mga kasamahan ni Jamir sa Philippine music industry ang nangyari. Natagpuang wala nang buhay si Jamir, 42 years old, sa kanyang tahanan sa Brgy. Sangandaan, Quezon City nitong Huwebes, November 26.

Vocalist ng Slapshock na si Jamir Garcia pumanaw na
Jamir Garcia of Slapshock

Sinubukan pang dalhin si Jamir sa Metro North Hospital pero he was declared dead on arrival (DOA).

Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga kinauukulan ang dahilan ng biglaang pagkamatay ng iconic band vocalist.

Dahil sa nangyari, binago ng Slapshock ang kanilang Twitter profile picture to black para ipagluksa ang untimely passing ni Jamir.

Nabuo ang Slapshock taong 1997 at sumikat sa mga kantang Agent Orange, Langit, Anino Mo at marami pang iba.

Mula po dito sa Pinoy Parazzi kami po ay nakikiramay sa pamilya ni Jamir.