VLOG WATCH: Zumba Time with Vilma Santos at Luis Manzano (laughtrip!)

Vlog Watch

MISS NIYO na ba ang nag-iisang Star for all Seasons na si Cong. Vilma Santos-Recto? Katulad ninyo, naghihintay lang din kami sa major movie comeback ng isa sa well-respected star/politician ng bansa. Ilang taon na rin ang lumipas nang bumida ito sa ‘Everything About Her’ kasama sina Angel Locsin at Xian Lim, huh!

Well, may ‘comeback’ si Ate V sa pamamagitan ng vlog ng kanyang kenkoy na panganay na si Luis Manzano. Alam niyo ba kung ano ang pandar niya ngayon? Siya raw ang Master Zumba Instructor at ang kliyente niya ay ang kanyang Momski Cong na si Ate Vi!

Panoorin ang nakakalokang zumba video na ito! Buti na lang, love na love ni Ate Vi ang kanyang ‘lucky’ son! Idagdag pa na ang mismong misis na si Jessy Mendiola pa ang videographer!

Gwapong-gwapo rin lang sa sarili si Luis, lubos-lubusin na rin niya, ‘diba? Kung hindi pa kayo nakakapag-exercise today, sabayan na natin ang Master Zumba Instructer with our one and only Diamond Star! Galaw-galaw din habang may taym!

Previous articleFRIENDSHIP OVER! Derek Ramsay tinapos ang 7 taong pakikipagkaibigan kay John Estrada
Next articleThings You Didn’t Know About Iza Calzado