VLOG WATCH: Yeng Constantino covers Avril Lavigne songs (Complicated / Wish You Were Here)

Vlog Watch

NAKAKAMISS din manood ng mga live gigs, noh? Papasok ka sa bar, uupo, oorder ng beer at pulutan at makiki-jamming sa performer of the night. Don’t you miss acoustic nights?

Kami, OO! Pero dahil hindi pa muna hinihikayat ngayon ang pagbubukas ng live entertainment venues, tiis muna tayo at makuntento sa mga performers natin na nagtatanghal sa kani-kanilang mga bahay.

Natuwa kami nang ma-notify kami na ang OPM Pop Rock Princess na si Yeng Constantino ay nagcover ng Avril Lavigne classic hits na ‘Complicated‘ at ‘Wish You Were Here‘. Sakto pa ito dahil may renewed discovery ang mga Gen Z sa sikat na Canadian rockstar nang pasukin nito ang Tiktok kamakailan with a Sk8er Boi video.

 

Sa totoo lang, kayang-kaya ni Yeng na gumawa ng full set list na puro Avril Lavigne songs ang aawitin niya. Uunahin ko nang i-request d’yan ang “I’m With You” at “What the Hell”. Yeng, game ka ba?