VLOG WATCH: Yaw-Yan Training Session ni Shaira Diaz para sa Lolong!

Vlog Watch

SHAIRA DIAZ is on a roll! Among all the promising young actresses sa Kapuso Network ay siya ang napili bilang leading lady ni Ruru Madrid sa upcoming action-fantasy series na Lolong.

Last year ay ibinalita na ang dalaga ang napili para ipares kay Ruru at sa wakas ay tuloy na tuloy na ang proyekto. Kahit na wala pa talagang inilalabas na final details tungkol sa tentative airing date nito, nag-umpisa na ang mga bida sa kanilang ‘Yaw-Yan’ o face-to-face combat  training session para naman mas mapabongga pa nila lalo ang pagdating ni Lolong, huh!

Bago pa sila napasabak sa pisikalan ay nagkaroon na rin ng virtual training sina Ruru at Shaira. Panoorin ang sneak preview sa kanilang rambulan!

Kung hindi kami nagkakamali, ito ang first action project ni Shaira, na napakaganda ng mukha! Huli itong napanood sa romance comedy series na ‘Love You Two’ kung saan nakasama niya sina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion.

Will ‘Lolong’ be Shaira’s breakthrough to make it big sa showbiz? Abangan natin ‘yan!