VLOG WATCH: Yassi Pressman’s Millennial House Raid with Alex Gonzaga

Vlog Watch

GOOD FRIENDS pala sina Alex Gonzaga at Yassi Pressman. Kung regular viewer kayo ng vlogs ni Alex, mapapansin ninyo na may mga videos siya kung saan sinusugod niya ang kanyang close showbiz friends sa kani-kanilang mga bahay para makapagbigay na rin ng house tour. Hindi nakaligtas d’yan si Yassi Pressman.

Actually, hindi namin alam na close friends pala ang dalawa na nagkakilala sa poder ng Kapamilya network. Meron din silang common friend na naging tulay para maging solid ang kanilang friendship.

For quite some time ay naririnig na natin na Yassi Pressman is designing her dream home with younger sister Issa, at for the first time ay ipinasilip niya sa madlang pipol ang kanyang mala-resort na tahanan na talagang mapapa-sana all ka na lang talaga!

Nood na at malay niyo, baka ma-inspire din kayo na i-visualize ang inyong future home!