VLOG WATCH: Yassi Pressman cooks Wagyu Beef Paella

ADVERTISING
Vlog Watch

GABI-GABI pa rin natin nasisilayan ang ganda ng Kapamilya actress/dancer/model na si Yassi Pressman sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang Alyana, pero aminin mo – one show is not enough!

Matagal na rin simula nang lumabas ito sa isang pelikula kaya naman masaya na ang mga fans niya kung paminsan-minsan ay may uploads ito sa kanyang YouTube channel.

ADVERTISING

May paandar ang aktres na #SayYassToCooking series sa kanyang vlog. This time, nilutuan tayo ni Yassi ng Wagyu Beef Paella na puwedeng-puwede natin gayahin kung tayo’y nagsasawa na sa ating usual meal at may extra budget (pang-alta ang Wagyu beef mga memsk!). Kung gutom na gutom ka na sa Yassi content, ito na ang pampabusog!

Bago nagkaroon ng Covid-19 pandemic ay madalas natin napapanood si Yassi sa mga pelikula ng Viva Films. At least once a year ay may movie ito. Ang pinakahuli ay ang ‘Para sa Mga Brokenhearted‘ with Marco Alcaraz, Louise delos Reyes, Shy Carlos at Sam Concepcion. Sa digital series naman ay mapapanood ang thriller na ‘The Tapes‘ with Sam Milby sa IWantTFC.

ADVERTISING
ADVERTISING