VLOG WATCH: Yasmien Kurdi’s First Condo Tour!

Vlog Watch

MINAHAL ng madla si Yasmien Kurdi simula noong siya ay nakipagsapalaran sa first season ng reality-based artista search na ‘Starstruck’, kung saan siya tinanghal na First Princess. Hindi man siya ang main winner (si Jennylyn Mercado ang Ultimate Female Survivor), hindi maipagkakaila na nakagawa rin ng sarili niyang marka sa showbiz si Yas.

Nasubaybayan natin ang kanyang pagsikat bilang teen actress hanggang sa maging reliable afternoon drama princess ng Kapuso Network. Kahit ang pagiging inactive niya sa showbiz para magfocus sa kanyang pag-aaral at pagbuo ng pamilya ay nasubaybayan natin! Dahil na rin sa kanyang natural na galing sa pag-arte at loyal fanbase, hanggang ngayon ay maasahan ng Kapuso network na top-rating lahat ng pagbibidahang teleserye ni Yasmien.

Ngayon nga, kahit ang kanyang asawang si Rey at anak na si Ayesha ay minahal na rin ng mga Kapuso. Sa kanyang latest vlog ay ipinasilip ng aktres ang kanilang first ever condominium. Alam niyo ban a Php 20,000 lang ang ginastos nilang mag-asawa sa kanilang kasal? Marami pang interesting stories tungkol sa pinagdaanan ng panggas ang kanilang isiniwalat sa aliw na vlog na ito. Nakaka-inspire!