VLOG WATCH: Yasmien Kurdi shows the Life of a Pilot’s Wife during holidays

Vlog Watch

NALALAPIT NA ang pagtatapos ng afternoon drama series ng GMA-7 na Las Hermanas kung saan isa sa mga bida si Yasmien Kurdi, pero hindi natatapos ang kanyang pagiging asawa kay Rey at mommy kay Ayesha!

Alam ng fans and followers ni Yasmien na siya ay very hands-on sa kanyang pamilya. Kitang-kita kung gaano sila ka-close ng kanyang loving husband and daughter kaya naman isa sila sa mga paborito naming celebrity families. Puro good vibes and positivity lang!

Sa latest video ni Yasmien ay pinakita niya kung ano ang realidad ng pagiging pilot’s wife. Marami sa atin ang assuming na isa sa mga perks of having a pilot husband or wife ay ang pagkakaroon ng trips abroad lalo na kapag holidays.

 

 

Ang ‘di natin alam ay ito ang busiest time para sa airline industry dahil maraming kababayan ang umuuwi o umaalis ng bansa. On this video ay nakapag-noche buena pa si Rey with the family, pero si Yasmien na mismo ang naghatid sa kanya sa airport. Ka-sweet ng mag-pangga!