VLOG WATCH: Yasmien Kurdi, sepanx sa pamilya dahil sa Las Hermanas lock-in taping

Vlog Watch

MAGBABALIK NA sa paggawa ng teleserye ang loyal Kapuso actress na si Yasmien Kurdi. Nakatakda na itong magbalik-telebisyon sa pamamagitan ng upcoming drama series na ‘Las Hermanas’, kung saan makakasama niya sina Thea Tolentino, Faith Da Silva at Mr. Albert Martinez.

Requirement na ngayon sa mga teleserye shoots na mag-lock-in. Kung noon ay three weeks lang ang requirement, ngayon ay mahigit isang buwan nang kailangan manatili ng mga cast, staff and crew sa location para maiwasan ang mga nangyaring hawaan sa sets ng ilang teleserye bago nagkaroon ng ECQ ulit sa Metro Manila.

 

Alam naman ng lahat ng fans ni Yasmien na very hands-on mom ito sa anak na si Ayesha at responsible wifey sa kanyang asawa na si Rey. Mala-OFW ang pakiramdam ni Yasmien dahil first time nitong mawawalay sa kanyang mag-ama ng mahigit isang buwan.

Bago tumuloy sa kanilang final quarantine hotel sa Clark ay kinakailangan muna nilang mag-isolate somewhere in Kyusi ng isang Linggo. Ang tagal din, ‘diba? So, how did Yasmien spend her time? Panoorin natin at based on the comments, mukhang maraming kababayang OFW ang nakarelate!

Huling napanood si Yasmien Kurdi sa action primetime series na ‘Beautiful Justice’.