VLOG WATCH: Yasmien Kurdi, niregaluhan ng ONE MILLION ang asawa noong Pasko?!

Vlog Watch

WHOLESOME content ba ang hanap mo? Ang YouTube channel ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi ang isa sa aming go-to kapag gusto namin ng family-friendly content dahil kitang-kita mo ang sincerity nila ng asawang si Rey (a.k.a. Pangga) at ang kanilang bibbong anak na si Ayesha.

Piloto ang asawa ni Yasmien na si Rey at back to work na rin ito. Buti na lang at nakauwi ito just in time for Christmas Eve. Bilang maybahay, nagprepare ng noche buena si Yas with her family and friends na luckily ay na-record naman nila. Nandyan ang lamon, gift giving, gift opening and more happiness and good vibes!

Kung si Ayesha ay nakatanggap ng bonggang Disney box na puno ng toys and merchandise, alam niyo ba kung ano ang regalo ni Yas sa kanyang mister? ONE MILLION.

YES, ONE MILLION! No Joke! Panoorin ninyo ang Christmas video ni Yasmien at malalaman ninyo na nagsasabi kami ng totoo!