VLOG WATCH: Yasmien Kurdi, binuhusan ng banyera ng isda ni Jennica Garcia?! (Las Hermanas BTS!)

Vlog Watch

SA SETYEMBRE pa naka-iskedyul ang airing ng upcoming afternoon drama show ng GMA-7 na ‘Las Hermanas‘, pero natapos na ang lock-in taping para sa first season ng bagong aabangan ng mga Kapuso viewers!

Ang ‘Las Hermanas’ ay pagbibidahan ng Kapuso homegrown artists na sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino at Faith Da Silva. Kasama rin nila rito sina Jason Abalos, Jennica Garcia at ang nagbabalik-GMA na si Mr. Albert Martinez.

Ang lead actress na si Yasmien Kurdi ang masipag na nagpopost ng mga behind-the-scenes photos and vlogs mula sa kanilang lock-in taping sa Clark, Pampanga. Kamakailan lang ay natapos na rin nila ang final cycle ng kanilang pag-iipon ng episodes para sa inaabangang teleserye.

Teka… totoo ba na binuhusan ng comeback Kapuso actress na si Jennica Garcia ng isang banyera ng isda si Yasmien Kurdi? OMG! Siguradong ang Las Hermanas ang bagong magpapa-high blood sa atin, mga Kapuso!