VLOG WATCH: Yam Concepcion covers ‘And I Love Her’ by The Beatles – in Ukelele!

ADVERTISING
Vlog Watch

YOU MAY HATE her and the characters she plays on TV, but we definitely love the REAL Yam Concepcion.

Hit na hit sa mga tao ang pagiging ‘Pambansang Kabit of 2018’ ng karakter niya bilang Jade sa hit series na ‘Halik’ at kasalukuyang pinanggigigilan ang pagpapahirap niya kay Kim Chiu bilang older sissy Dana Wong sa ongoing Kapamilya series na ‘Love Thy Woman’. Behind the scenes ay very approachable si Yam at isa siyang interesting na tao.

Paunti-unti ay nakikilala na siya on a personal level ng kanyang fans (and bashers) sa pamamagitan ng kanyang Yam Concepcion TV sa YouTube. From her ‘new normal’ taping sa ‘Love Thy Woman’ to the things she does for love (she is in a relationship with her non-showbiz dyowa) and to her love for music, there’s just too much to love in Yam!

We’re delighted to discover that she is a big fan of The Beatles. Walang makakatalo sa legendary rock band na itinatag nina John Lennon, Paul McCartney, George Harrison at Ringo Starr noong 60’s na hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin ng new generation of music lovers ang kanilang mga likha.

Alam niyo ba na magaling mag-play ng iba’t ibang musical instruments si Yam? Dati siyang drummer para sa isang rock band at sa kanyang bagong video ay isang ukelele rendition ng classic The Beatles hit na ‘And I Love Her’ ang kanyang ipinamalas sa kanyang channel. Kuha niya ang iconic guitar riff ni George Harrison at tulad ng pagkanta ni Paul, ramdam mo ang longingness sa kanyang pag-awit.

ADVERTISING

At dahil ‘And I Love Her’ ang title ng kanta, hindi namin napigilan isipin kung open ba si  Yam na magbida sa isang lesbian-themed movie or series? Hmmm…

 

ADVERTISING