VLOG WATCH: Xian Lim’s surprise Valentine Trip to Coron for Kim Chiu!

Vlog Watch

SA MUNDO na puno ng mga taong naghihiwalay, nagkakatuluyan at nagkakasakitan, thankful kami na we live in a world where celebrity relationships are real ‘couple goals’.

Halos isang dekada na rin magkasama bilang loveteam turned real life lovers sina Kim Chiu at Xian Lim. Simula nang magsama ang dalawa, bihira natin narinig na sila’y may bonggang LQ o Lovers Quarrel. Actually, meron ba? Parang wala kaming maalala!

Parehong aktibo sa pagupload ng YouTube videos ang magdyowa kaya may coverage sila ng pa-surprise Valentine date ni Xian kay Kim. Kasama rin s’yempre ang momshie ni Xian at ilang malapit na kaibigan at mga kasabwat. Hek-hek-hek!

Sa trip ay may mga ‘funny’ jokes si Kim na baon at naalala nila na sa same resort sila nag-shoot ng kanilang romance-comedy film na ‘All You Need is Pag-Ibig’, na kung iisipin mo, ‘yun na ang huling big screen movie nila together. Isn’t it time to reunite on the big screen?

Anyway, stay happy and in love, KimXi!